Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hubad, walang face mask binaril

0 147

Sugatan ang isang lalaki nang mapilitang barilin ng mga miyembro ng Manila Police District (MPD) na nagba-bike patrol nang bumunot ito ng baril at tinangkang kasahan ang awtoridad na sumita sa kanya dahil sa walang suot na face mask at face shield bukod sa nakahubad pa kahapon ng umaga sa McArthur bridge sa Ermita, Maynila.

Isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang suspek na si Joel Limacob, nasa hustong edad at taga-Brgy. 659, Ermita, Maynila.

Sa imbestigasyon, ng MPD-PS5, naganap ang insidente alas-10:20 ng umaga sa nabanggit na lugar malapit sa Lawton Ferry.

Nabatid kay PCPL Afran Tobiagon, ng DMFB Bike Patrollers, nagpapatrulya ang kanilang grupo sa Mc Arthur Bridge nang mamataan ang suspek na walang suot na damit pang itaas, walang face mask at face shield. Nang sitahin, bigla umanong bumunot ng baril at itinutok sa mga pulis kaya napilitan siyang barilin ng mga awtoridad.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas ang suspek dahil sa tama ng bala sa katawan. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.