Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hubalde ibubunyag tsansa

0 258

Pangungunahan ni Paolo Hubalde ang guests sa Philippine Sportswriters Association online Forum ngayong Martes.

Si Hubalde ang isa sa mga pamato ng MJAS Zenith Team na makikipagbuno sa inaugural Pilipinas VisMin Super Cup. Makakasama ng anak ni PBA great Freddie Hubalde si Zenith team manager John Santos. Hihimayin nila ang tsansa ng team sa sa regional pro league na nakatakdang sumiklab sa summer.

Bisita rin sa Forum na mga hatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant at PAGCOR, ang Goal Diggers PH team nina Robbie De Vera, Simone Jaldon at Rely San Agustin.

Related Posts

Tatalakayin nila ang programa bilang marketing professionals at dating athletes na layong ayudahan ang Philippine sports ngayong panahon ng pandemic.

Powered by Smart at Upstream Media bilang official webcast partner, livestreamed ang Forum sa PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at sa Radyo Pilipinas 2 FB page rin. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.