Abante Tonite Interactive

Hubalde, Varilla asinta ang 5th straight ‘W’ vs GenSan

246

Tapos matalo sa u-nang laro, tutuloy ang pag-arangkada ng Valenzuela Classic na tangkaing makuha ang ikalimang sunod na panalo sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League 2019 Lakan Cup eliminations ngayong Lunes, alas-8:30 nang gabi.

Sa huling laban ng Valenzuela, nakalusot ang bataan ni coach Gerald ‘Gerry’ Esplana kontra Cebu Sharks, 69-66, sa pangunguna ni unheralded forward Jaymar Gimpayan na sumungkit ng tig-11 points at rebounds.

“Alam nila kung ano ang role nila,” ayon kay Esplana. “At any given day, laging mayroong magi-step up sa team.”

Inaasahan ng Classic na bumalik sa porma ang kanilang leading scorer na si ex-pro Paolo Hubalde at si University of the East star Jayson Varilla.
Itataya ng Valenzuela ang winning streak kontra sa General Santos Warriors sa harap ng home crowd sa Valen- zuela Astrodome.

Sa opening game, salang ang Cebu (2-3) kontra Iloilo (3-1) sa alas-kuwatro nang hapon, at sa alas-6:30 nang gabi ang paghaharap ng Basilan (3-1) at ng Batangas (1-1). (Ray Mark P­atriarca)