Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hubo’t hubad na misis, lover nabulaga sa OFW

0 89

IPINADAMPOT ng isang mister ang kanyang misis at kalaguyo nito nang maaktuhang nagtatalik sa loob ng isang hotel sa Silang, Cavite Huwebes ng hapon.

Kasong Adultery ang kinakaharap ni Luzviminda, 39, isang negosyante at lover nitong si Christopher, 36, isang welder, dahil sa reklamo ng mister ng una na si Sonny Erickson, 38, isang Overseas Filipino Worker (OFW).

Sa ulat ni PSSgt Teddy Labampa, ng Silang Police Station, nabalitaan ng biktima na may kinahuhumalingan ang kanyang misis kaya nagmanman ito at dakong alas-2:30 kamakalawa ng hapon nang patago nitong sinundan ang asawa hanggang sa nakita nitong pumasok sa Marie Hotel sa Brgy Sabutan, Silang, Cavite kasama ang kanyang kalaguyo.

Naghintay ito ng ilang minuto saka nakipag-ugnayan sa mga naka-duty na Barangay Tanod na nakakasakop sa lugar saka sila pumasok sa loob ng nasabing hotel kung saan naaktuhan ang dalawa na kapwa hubo’t-hubad sa loob ng kuwarto na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.