Abante Tonite Interactive

Huelgas sinubukan ang New Clark City complex

0 261

Nagsanay din ang mga national triathlete sa world-class Aquatics Center at Athletics Stadium bilang paghahanda sa isasagawa na unang New Clark City Triathlon na magaganap sa Oktubre.

Pinamunuan mismo ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang aktibidad kasama si Senator Pia Cayetano, na sinamahan ang mga triathlete sa training.

Kasama ng magkapatid na Cayetano sina BCDA president at CEO Vince Dizon, MTD Clark, Inc. President Engr. Patrick Nicholas David, GoClark Sports and Events Director Jumbo Tayag, Robinsons Land Corp. Assistant Marketing Director Kristynne Tan at national triathlete Nikko Huelgas at John ‘Rambo’ Chicano.

Sinabi ni Speaker Cayetano na ang darating na 30th South East Asian (SEA) Games ay “meant to honor our athletes and reignite the passion for sports sa ating bansa, sports is integral in harnessing the mind and soul of the young people.”

Nagpasalamat naman si Huelgas sa gobyerno sa pagtatayo ng mga bagong sports facilities na hindi lamang ang mga pambansang atleta ang makikinabang kundi pati ang lahat ng Filipino na nais na maging national athlete. (Lito Oredo)