Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Huey, Gonzales hari sa doubles

0 55

INANGKIN nina Treat Huey at Ruben Gonzales ang gintong medalya sa men’s tennis doubles matapos biguin ang mga kababayan at nagtatanggol na kampeon na sina Francis Casey “Niño” Alcantara at Jeson Patrombon sa dalawang set, 2-0, sa mga iskor na 6–1, 6–4, sa papatapos nang 31st Southeast Asian (SEA) Games Sabado.

Kinailangan ng top seed na sina Huey at Gonzales ang mahigit na isang oras upang agawin ang ginto sa pares nina Alcantara at Patrombon at makabawi sa kanilang rematch noong 2019 All-Filipino finals sa Hanaka Paris Ocean Park sa Tu Son, Bac Ninh province sa Hanoi, Vietnam.

Mahigit dalawang taon na ang nakalipas matapos na magkasya lamang sina Huey at Gonzales sa pilak sa kanilang nalasap na straight-sets loss sa kababayan na sina Alcantara at Patrombon sa 30th SEA Games sa Manila. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.