Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Huey, pakner nag-impake

0 145

Babalik na si lone Philippine bet Treat Conrad Huey sa United States at partner Christopher Rungkat sa Indonesia nang maagang matuldukan ang kampanya sa A$75M (P2.7B) 110th Australian Open Tennis 2022 sa Melbourne Park, Victoria Biyernes.

Hindi nasustena ng Fil-Am at Indon ang 3-6, 7-6 (7-2), 6-2 men’s doubles Round-of-of-63 upset win kina 16th seeded Rohan Bopanna ng India at Edouard Roger-Vasselin ng France noong Miyerkoles nang yumukod kina fellow WC entry Aussie duo Dane Sweeny at Li Tu sa 6-7 (6-8), 4-6, sa Last 32.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero hindi naman luhaan na aalis ng Down Under ang dalawang tenista dahil paghahatian ang premyong A$30,0250 (P1.1M).

Out na rin sina wildcard Fil-Australian Lizette Cabrera at pakner Aussie Priscilla Hon ng host country sa paglasap ng 3-6, 2-6 loss kina second seed Japanese Ena Shibahara at Shoku Aoyama para magbiyak sa parehas na premyo. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.