Abante Tonite Interactive

Hugas-kamay ng China inalmahan ng oposisyon

532

Mariing binatikos ng mga mambabatas ng oposisyon ang China bunsod nang pahayag nito sila ang kinuyog ng mga Pilipinong mangingisda kaya’t hindi nila tinangkang iligtas ang mga mangingisda sa lumubog na barko sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi nina Senador Risa Hontiveros, Francis Pangilinan at Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano, na hindi kapani-paniwala ang statement ng Chinese government na tinangkang isalba ng mga Chinese ang mga Pilipinong mangi­ngisda subalit natakot dahil napapaligiran sila ng pito hanggang walong Filipino vessel.

“The Chinese government’s response to the West Philippine Sea hit-and-run incident, through its embassy here in Manila, is preposterous,” sabi ni Hontiveros

“It is a flimsy attempt at a cover-up to shield the involved Chinese crew from any accountability and shift the blame and responsibility to our distressed fisherfolk,” dagdag nito.

“The Chinese want it to appear that they were the ones harassed. This is ridiculous. Do you think our fishermen will have the gall to bully Chinese fishermen in the Spratlys with the PLA (People’s Liberation Army) Navy, Coast Guard and its maritime militia around?” sabi naman ni Alejano na dating Navy officer.

Aniya, malabong mangahas ang mga Pinoy na i-harass ang mga Chinese dahil alam natin na tatlong malalaking isla sa WPS na inaangkin ng China ay armado ng mga radar at missile defense system.