Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hugnatan inasar sa meme ng mga Ginebra fan

0 133

Pagkatalo ng Meralco sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine best-of-five semifinals kontra Barangay Ginebra San Miguel sa Pampanga bubble, samu’t saring memes ang namutiktik sa social media.

Bidang-bida sa mga meme na ito ng mga fan ng Gin Kings si Bolts veteran forward/center Reynel Frances Hugnatan.

Sa isang tawag ng referee sa laro, maririnig si Hugnatan na humirit ng, “Ref lutong luto yun ah.”

SM food to go Banner Ad

HIyon ang naging dahilan para alaskahin ng Ginebra fans ang 42-year-old, 6-foot Negrense baller.

Ayon sa isang page, “’Yung tipong ikaw na ‘yung ng yayakap at ng hihila kay Japeth (Aguilar) tapos ikaw pa magsasabing luto lolo Reynel Hugnatan.”

Agad itong kumalat sa socmed dahil na rin sa dami ng shares mula sa mga tagasunod ng popular ballclub.

Pinanapos sa post, “Napakagulang mo maglaro, pero napakaiyakin mo kulang na nga lang iuwi mo sa kwarto si Japeth.” (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.