Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hugnatan sumagot na sa bintang na ‘luto’ laban sa Ginebra

0 201

RP

“Ref, lutong luto to ah.”

‘Yan ang mga katagang gumawa ng ingay sa Game 3 ng Ginebra kontra Meralco kung saan nagwagi ang Gin Kings, 91-84.

10 minuto sa fourth quarter ay narinig live ang bintang na luto ang laban matapos tawagan ng three-second violation si Japeth Aguilar.

Ngunit bago ito itawag ay makikitang inis si Bolts forward Reynel Hugnatan sa mga referee dahil sa tagal pumito ng mga ito.

Kaya naman tingin ng mga fan ay si Hugnatan ang nagsabi na ‘luto’ ang laro na nag-trending sa social media.

Ngunit sa ulat ng Spin.ph, dineny umano ng beteranong big man na siya ang nagpatama sa referee.

Dahil wala namang mga fan sa PBA bubble, isang manlalaro o team official lang ang pwedeng mapagbintangan dito.

Ngunit ang tanong ay kung may aamin kaya?

https://www.facebook.com/PBAmemesPH/posts/3902077309837232

Leave A Reply

Your email address will not be published.