Abante Tonite Interactive

Hulaan Blues: Kanang kamay ng senador nagpasasa sa foreign trip

510

Sino daw itong kanang kamay ng senador ang nagpasasa sa pagbibiyahe sa ibang bansa?

Sa natisod na info ng Tonite, kapag may biyaheng inayawan ang senador, ang alalay nito ang siyang sumasalo at siyang nagpapasasa sa prebilehiyo ng kanyang amo.

Dahil pangalan ng senador ang binibitbit ng alalay, mga bigatin as in mga VIP ang nagiging­ kasama sa biyahe ng staff na kilalang power tripper ang pag-uugali.

Siyempre, kumubra din ng pabaon ang kumag sa tanggapan ng senador, aba’y kapag sinuwerte nga naman parang bagyong ‘Josie’ kung umulan.
Ang hindi lang mabatid ng impormante ay kung nagbitbit din ng chikababe itong dakilang alalay ng senador.

Balitang-balita kasi na may magandang tsiks itong kanang kamay ng senador.

Clue: Ang kanang kamay ng senador ay may letrang M sa kanyang pangalan as in Manyak habang ang amo niya ay may letrang L sa full name.