Abante Tonite Interactive

Malas kasi! Ex-solon nagpalit ng eyeglass

279

May kakaiba ngayon sa hitsura ng dating mambabatas simula nang natalo sa ­nakaraang halalan.

Nagpatubo na kasi ito ng balbas at bigote at pinalitan na rin ang kanyang trademark na eyeglass.

Kung dati ay parang henyo siya sa kanyang eyeglass, iba na ngayon ang hugis ng kanyang antipara dahil pabilog na ito.

Parang musician tuloy ang porma ng ­ex-solon dahil ganitong hugis din ang ­ginagamit ng namayapang si John Lennon at Liam Gallagher ng Oasis.
Ang kaibahan nga lang, hindi singer ang ex-solon dahil sintunado ito kung kumanta.

Minalas kasi ang dating mambabatas sa ­nakaraang halalan kayat nagbago siya ng looks na pormang millennials at hindi trapo.

Clue. Ang dating mambabatas na nagbago ng porma ay ga­ling sa kila­lang angkan ng politiko. May letrang A sa kanyang pangalan.