Abante Tonite Interactive

Hulaan Blues: Solon napikon nang tawaging chickboy

63

Marami na ngayon ang nagdududa sa isang miyembro ng Lower­ House kung tunay nga ba siyang lalaki o nagkukunwari lang na lalaki.

Ito’y matapos na kumalat ang balitang dinamdam daw ni congressman ang biruan hinggil sa pagkakaroon ng isang chickboy na miyembro ng Kamara.

Bagama’t hindi naman siya ang tinutumbok sa biruang ito, napikon daw si congressman sa birong may chickboy na miyembro ng Kamara.

Abante Hiring – IT dep

Para sa millenials na hindi nakaranas ng kalupitan ng Batas Militar, tinatawag na chickboy ang isang lalaki kung pumapatol siya sa chicks gayundin sa boy.

Bagama’t matagal nang naganap ang pagkapikon ni Mr. Chickboy eheste, Boy Pikon, usap-usapan pa rin sa ilang sulok ng Kamara kung totoo ngang chickboy si congressman.

Nakarating sa info ng Tonite na marami nga raw ang nagugulat at nagtatanong kung totoo ngang chickboy si Boy Pikon, eh paano ba naman kasi ay kilalang taklesa ito as in palaaway sa gobyerno.

Ang pagkakakilala kasi kay Boy Pikon, matapang ito at ipinaglalaban ang karapatan ng mga nasa laylaya­n ng lipunan, ewan lang natin kung type niya ring gumamit ng panamit na may laylayan.

Mabubura lang siguro ang pagdududa kay Boy Pikon kung makikitang tumatambay ito sa pamosong istruktura sa Moscow eheste sa pakunong Kremlin sa Quezon City.

Clue: Ang kongresistang napikon sa birong chickboy siya ay hindi tumira ng Star margarine noong kabataan pa niya. May letrang R sa kanyang pangalan as in Rated R na kapag pinag-usapan pa natin ang ginagawa sa Kremlin. (Boyet Jadulco)