Abante Tonite Interactive

Huli cam si Mr. Swabe!

KAPITBAHAY MO, I-BLIND ITEM MO!

766

Avid reader ako ng Abante TONITE.

Happy ang column na ‘to tuwing Miyerkoles kaya isi-share ko na rin ang na-encounter kong eksena sa kalugar kong bigotilyo. Itago na lang natin siya sa alyas na Mr. Swabe.

Hindi ko kapitbahay si Mr. Swabe pero sa iisang subdibisyon kami nakatira. Hindi puwedeng hindi ko siya makilala dahil isa siya sa mga opisyal sa mga homeowner sa amin.

Maganda naman ang record niya at adhikain sa komunidad namin. In fact, nalinis nga ang pali­gid – at ang mga kabataang ‘patambay-tambay’ lang ay nabigyan niya ng mga makabuluhang activities.

Bilib na sana ako sa kanya pero hindi ko akalaing may bebot pala siya. Hindi lang ito basta bebot kundi malasutsot pa. Dibdib pa lang ay busog ka na. Kartada 8 kumbaga.

Paano ko nalaman?

Isa akong CCTV ope­rator sa isang kilalang hotel kaya ilan sa mga nag­tsi-check in sa amin ay namo-monitor ko. (Pero siyempre hindi ko ito ibibisto) Isa si Mr. Swabe sa nabuking ko.

Kilala ko ang misis niya at mga anak kaya imposibleng mali ang hinala ko.

Pagpasok pa lang nila sa elevator hanggang sa kinuha nilang kuwarto ay kaduda-duda na ang body language nila. Alam mo nang may milag­ro sa galawan nila.

Hindi rin ako bobo para isi­ping magrorosaryo lang sila sa loob ng kuwarto sa buong magdamag na sila lang dalawa.
Mula noon, tuwing makikita ko silang pamilya na sabay-sabay pang nagsisimba sa chapel namin ay napapangiting-aso na lang ako.

MJ ng Quezon City