Abante Tonite Interactive

Huli sa CCTV: Jiro pinagtripan kaya nanaksak

1,822

Ni: Rommel Placente

Pinaratangan ng mga basher na nagdodroga ulit si Jiro Manio pagkatapos saksakin si Zeus Doctolero. Siya pa ang sinisisi sa nangyari.

Pero, nakakuha na ng kopya ng CCTV sa naganap na insidente. Nakita roon na talagang pinagtripan si Jiro ni Zeus. Bigla siyang hinampas ng helmet sa ulo nang dalawang beses. Lumaban lang si Jiro at ipinagtanggol ang sarili.

At gaya nga nang nasulat sa Abante Tonite, may witness na magpapatunay na inuhan si Jiro ni Zeus.

Actually, lumabas na umano ang testigo, at ipinagtanggol si Jiro.

Sabi nga ni daddy Andrew (nagpalaki kay Jiro), dapat daw ay si Zeus ang kinasuhan at hindi ang kanyang anak.

Self-defense lang daw ang ginawa nito.

How true na nagtatago na nga raw ngayon itong si Zeus?

Ayon pa kay daddy Andrew, nagbabago na nga raw ang award-winning young actor. Nagtatrabaho na raw ito ngayon sa isang canteen. Gusto na raw nito ng tahimik na buhay, kaya ayaw nang bumalik sa showbiz.

Hindi na rin daw ito naninigarilyo at umiinom, tapos sasabihan pa raw na nagda- drugs ulit.