Abante Tonite Interactive

Huling hirit sa tag-init

292

Julius Segovia

julius-segoviaHindi pa opisyal na nagtatapos ang tag-init. Kaya puwede pang huma­bol sa pamamas­yal. Katunayan, mga nasa public school pa lang naman ang nagsimula ng klase. Marami pang mga estudyante ang naka-vacation mode.

Kung naghahanap ng mapupuntahan, subukang i-explore ang Ilocos na hitik sa magagandang tanawin, makasaysayang lugar, at iba’t ibang pagkain na talaga namang katakam-takam.

Bago pa mawili sa mga tourist spot, unahin nang pasyalan ang ipinagmamalaking simbahan ng Saint Augustine o mas kilalang Paoay Church.

Tanyag ito dahil sa pambihirang tibay ng gusali. Ilang lindol na ang nagdaan pero nana­natili itong nakatayo. Kinikilala rin ang simbahan bilang UNESCO World Heritage­ Site at National Cultural Treasure­ of the Philippines.

Related Posts

Patay na kuko

Isunod naman natin ang naglalakihang Windmills sa Bangui, Ilocos Norte. Sa mga mahihilig mag-picture, swak na swak itong background – siguradong IG ready!

Hindi kumpleto ang Ilocos trip kung hindi niyo susubukan ang kanilang tinatawag na Paoay Sand Dunes. Sa halagang 500 pesos kada tao, mae-experience mong sumakay sa 4×4 jeep, sand boarding adventure, at makikita mo pa ang Suba beach na picture-worthy. Ginamit din itong location ng ilang pelikula na tumabo sa takilya gaya ng ‘Himala’, ‘Ang Panday’, at ‘Temptation Island’.

Isa pang historical landmark ang Cape Bojea­dor Lighthouse o mas kilalang Burgos Lighthouse. Dinadagsa rin ito ng mga turista dahil mahigit 100 taon na itong nakatayo at hanggang ngayon ay napapakinabangan pa rin.

Siyempre, hindi dapat mawala sa listahan ang sikat na kalye sa Vigan City, ang ‘Calle Crisologo’. Makikita rito ang mga lumang gusali noong panahon ng mga Kastila. Aakalain mong nasa unang panahon ka dahil maaari kang sumakay sa kalesa para mas lalong makita ang ipinagmamalaki ng Vigan City na isa sa mga ‘7 Wonders of the World’.

Bukod sa mga tourist­ spot, ipinagmamalaki rin ng Ilocos ang kanilang mga pagkain tulad ng longganisa, empanada, bagnet, pinakbet, at okoy.
Siguradong mara­mi ka ring maiuuwing souvenirs dahil nagkalat ang mga bilihan ng t-shirt, keychain, at iba.

Ang sa akin lang, kahit saang lugar pa kayo mamasyal – ang mahalaga, sama-sama ang pamilya para siguradong enjoy ang bawat isa! (with reports and photos from Kevin Patrick Sayaman)