Abante Tonite Interactive

Huling laban ni Pacman kinaiinipan

By
3,995

Ang diva that you love, iilan sa minoryang hindi masyadong natutuwa sa pagkapanalong muli ni Manny Pacquiao. Bakit kaniyo? Kasi he is not doing it for national pride anymore. Hindi na rin siya Cinderella man.

He is a man of power­ and means already. Christian preacher pa.

Sa pakiwari ko, self-preservation na lang ang dahilan kaya niya ito ginagawa. Hindi ako naniniwala na hindi pa sapat ang ‘ipon’ niya para masigurado ang kinabukasan ng mga anak at pamilya niya, malapit man o extended, ay nasa ayos na.

Lalo pa ngayon, itong huling laban niya, he will bring home billions, kung hindi iyan self-preservation, ano ang puwedeng itawag diyan?

Best in PR stunt rin ang Pinakamakapangyarihang Ginoo. Masayang­-masaya sa panalo ni Pacman. Standing ovation pa. He had to be in the fight. He needed to be seen in a victorious event lalo na nga’t alam naman niyang, growing in numbers na rin ang mga hindi nagugustuhan ang mga sinasabi niya sa maraming bagay-bagay.

Sa paandar na ito ni Manny, walang dudang may paandar na naman ang Ginoo na ito ang dapat maging kasunod niya.

Hindi ba kataka-taka, na itong si Pacquiao, la­ging may mga salitang galing sa Bibliya tuwing may mga puntos siyang gustong liwanagin, bakit kaya nung lantaran mi­nura ni Duterte ang Diyos, tikom ang kanyang bibig, he was unusua­lly silent? Bakit kaya hindi­ niya kinasahan ang ­Pre­sidente?

Ngayong uuwi na naman siya na parang ‘ba­yani’, makakaasa tayo na ang kanyang mga kaal­yado sa Senado, maliban sa photo opportunity, may kung anong reso­lusyong ihahain at ipapasa para ideklara ang kadakilaan ni Manny.

Sigurado ring more Hermes and other designer brands ang madagdag sa ever gro­wing collection ni Jinkee Pacquiao. Nakaka-stress naman talaga ang panoorin ang iyong kabiyak na nakikipagbugbugan kaya retail therapy ang kanyang number one pampakalma.

Si Mommy Dionisia, she had her fair share of camera moments na, kaya tiyak, may bonus para sa kanya ang anak para happy ito.

Do we need this kind of hero? Hanggang kailan kaya siya lalaban? Kailan kaya talaga malulubos ang kanyang kasiyahan lalo na nga’t siksik, liglig at umaapaw na ang kanyang mga biyaya at tagumpay? Ilang laban pa para masabi niyang husto na, ayos na ako?
***

Gloria, Miriam, Margie tutol sa transwoman sa Miss U

Wala pang opisyal na pahayag ang Ms. Universe Organization tungkol­ kay Ms. Spain, ang transwoman na si Angela­ Ponce. Kung siya ay papayagan, malaking tagumpay ito para sa pink community.

Kung hindi naman, tiyak na here, there and everywhere ang bashing at hating na matatanggap ng mga nilalang na namumuno sa pinakamalaking timpalak pang­kagandahan.

Sa isang popular na pageant portal, may mga reaksyon sina Miriam Quiambao, 1999 Ms. Universe First Runner Up at ang Philippines’ First and Second Ms. Universes, sina Gloria Diaz at Margie Moran, tungkol sa usapin kung dapat nga bang payagan si Ponce o ang mga transwoman for that matter na makasali sa MU.

Ang sabi ni Quiambao, “In my humble opinion, transgenders should not be allowed to join the Ms. Universe because it’s only for REAL women. We should all make a stand. Just because it’s popular, it doesn’t mean it’s right.”

Opinyon ni Ms. Gloria, “You know, times have changed. Now, we see older and worldly almost professional contestants enhanced and more adjusted. Somehow, I know that one day, it will be acceptable but for now, maybe they have their own contest to join. And mind you, many transgender are gorgeous.”

Para kay Ms. Margie, “There was a time when women joining beauty pageants were natural beauties untouched by doctors. This time not only are contestants physically enhanced, trangenders can join and win. The Miss Universe pageant should be exclusively for women. Transgenders should have their own contest simply because their not born women.”

Agree o disagree ba kayo sa kanila, dear readers? Spin a win!