Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Huling paalam ni Sen Kiko sa kanyang Aspin

0 174

Dear FURRever FURRiends:

Kamakailan lamang ay nakita ko ang isang post sa Facebook ni Sen. Kiko Pangilinan na pinamagatan niyang: “In Memoriam: Jondy, our Farm Dog.

RIP. March 2020.” Minadali kong basahin ito at napagtanto ko na ito ang huling paalam ng Senador sa kanyang nawawalang aspin.

Ayon kay Sen. Kiko, si Jondy ang kanilang ‘farmdog’, isang asong may ‘free spirit,’ mapagmahal at tapat. Tuwing dumadalaw ang Senador sa kanyang organic farm sa probinsya, nakabuntot palagi ang aso sa kanya. Kahit sa pag-inspeksyon ng mga pananim, pati na rin sa mga miting, kasa-kasama ni Sen. Kiko ang kanyang bantay.

Kapag nagpapahinga naman ang Senador sa farmhouse, kasama ang kanyang pamilya, si Jondy daw ang nakabantay sa veranda, tinatahulan ang anumang bagay na kakaiba. Bagaman matapang ang asong ito, ayon kay Sen. Kiko, “he was gentle and well-behaved.” Ang paboritong moments daw ni Jondy ay kapag mealtime na. “I always made it a point that we would have meals together,” ayon sa post ng Senador.

Dagdag pa niya, “When I was with Jondy, he would reach out to me with his front paws seeking my attention and affection with a pat on his head. Uhaw sa lambing at cariño.”

Pero nung pangalawang linggo ng lockdown sa Marso, nawala nalang bigla si Jondy. Sa kabila ng patuloy na paghahanap sa kanya, hindi na talaga siya makita. Ang sabi pa ni Sen. Kiko, nung marinig ng kanyang maybahay na si Megastar, Sharon Cuneta na nawawala si Jondy, “she and the children were all deeply saddened and prayed that we would be able to find him.” Pero sa kasamaang-palad, hindi nila nahanap si Jondy.

Ngayon na’t lumipas ang anim na buwan at wala pa rin ang aso, nagdesisyon si Sen. Kiko na oras na para bitawan ang pag-asang bumalik pa si Jondy. Ito ang huli niyang sinulat sa kanyang post: “Rest in peace, Jondy. We miss you. The farm is not complete without you and you will always be in our hearts.”

Bagaman napakalungkot ng post, para sa isang dog lover na katulad ko, nakakataba ng pusong isipin na ang isang Senador ng Pilipinas, isang taong may maraming responsibilidad, ay magtatabi ng oras para bigyan ng taos-pusong paalam ang kanyang aspin.

Condolences, dear Senator for your loss!

At sana po, maging katulad tayo ni Sen. Kiko Pangilinan. Kahit busy, gumagawa pa rin ng paraan para bigyan ng pag-aruga ang ating mga furbabies!

PAWfectly yours,

Joyce

Leave A Reply

Your email address will not be published.