Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Huling SONA ni Duterte bawal ang rally

0 89

Hindi pinagbigyan ng Quezon City Police District (QCPD) ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan Muna) na magsagawa ng kilos-protesta sa Commonwealth Avenue sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 26, 2021.

Ito ay dahil na rin sa banta ng Delta Variant na COVID-19 na posibleng kumalat sa mga raliyista.

Ayon kay Ret. General Elmo San Diego, hepe ng Department of Public Order and Safety (DPOS), nagdesisyon ang QCPD na huwag payagan ang anumang rally dahil maaari umano itong maging super spreader event o pagkahawa ng virus.

Base sa Advisory ng Department of Interior and Local Government (DILG) nakaraang taon, hindi papayagan ang anumang mga kilos protesta sa SONA ni Duterte dahil sa banta ng hawaan ng COVID-19.

Ngunit papayagan ng QCPD ang mga raliyista na magtipon sa Freedom Park o harap ng tanggapan ng Commission on Human Rights para sa maikling programa. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.