Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Humaharurot na rider todas sa rotonda

0 257

Dahil sa bilis ng takbo sa kurbadang daan, sumemplang ang isang motorsiklo na humantong sa pagkamatay ng rider nito, sa San Pedro City, Laguna, Miyerkoles ng gabi.

Isinugod pa sa Jose Amante Hospital subalit idineklarang dead on arrival dahil sa grabeng pinsala sa kanyang ulo ang biktima na kinilalang si Ervin Amaro, 27-anyos at isang construction worker.

Ayon sa ulat ng San Pedro City Police, batay sa salaysay ng mga nakasaksi, humaharurot ang motorsiklo ng biktima sa kabila ng bumabagtas ito sa rotonda ng Narra Road sa Brgy. San Antonio dakong alas-siyete ng gabi.

Nawalan umano ito ng kontrol sa manibela at sumadsad ang motorsiklo sa gutter hanggang sa matumba at tumilapon ang biktima, (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.