Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Humampas sa poste; nakamotor na erpat todas, anak kritikal

0 52

PATAY ang isang ama habang kritikal ang kanyang anak matapos humampas ang sinasakyang motorsiklo sa konkretong poste ng kuryente sa Barangay Erfe Road, Sta. Barbara, Pangasinan noong Huwebes.

Kinilala ng Sta. Barbara Police Station (SBPS) ang nasawing si Alejandro Jacinto Macatbag, 40, habang ang nasugatan nitong anak ay si Justin Jimenez Macatbag, 14, kapwa taga-Barangay Nilombot ng nasabing bayan.

Sa report, ayon SBPS, tinatahak umano ng mag-amang Macatbag lulan ng motorsiklo, na minamaneho ni Alejandro, ang nasabing kalsada mula Barangay Leet patungong Barangay Nilombot nang pagsapit sa madilim na bahagi ng Barangay Erfe, sumalisi ito sa kabilang linya. Dito ay nawalan ng kontrol at aksidenteng bumangga sa sementadong poste ng kuryente ang mag-ama at nahulog sa mabukid na bahagi.

Nagtamo ng malalalim na sugat sa ulo at katawan si Alejandro. Nakaratay naman sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City, Pangasinan si Justin. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.