Abante Tonite Interactive

Human smuggling sa Canada naharang sa NAIA

By
833

Dalawang Turkish national na nagpanggap bilang mga Bulgarian at nagtangkang umalis papuntang Canada ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa ulat na ipinarating kay BI Commissioner Jaime Morente, ang dalawang dayuhan ay pinigil noong Mayo 30 sa departure area ng NAIA Terminal 2 habang pasakay ng Philippine Airlines flight papuntang ­Toronto, Canada.

Ayon sa ulat, ang dalawang dayuhan ay pawang may tampered Bulgarian passport na kanilang ipinakita sa mga BI officer.

Kinilala ang mga ito na sina Kemal Lok, 52-­anyos, at Yilmaz Aydogan, 47-anyos, na iniulat na umaming sila’y mga Turkish citizen at ang Bulga­rian passport na nakum­piska sa kanila ay pawang mga peke.

Isinuko din ng dalawa ang kanilang Turkish passport na nakatago sa bagahe nila.

“This is just the latest in a series of apprehensions of illegal aliens whose trips were facilitated by illegal syndicates attempting to use Manila as a jump-off point to enter Canada,” ayon kay Morente.

Isasailalim umano sa ‘deportation proceedings’ ang dalawang dayuhan dahil sa paglabag sa Phi­lippine Immigration Law. (Mina Aquino)