Abante Tonite Interactive

Humarurot sa checkpoint, 3 dinedo

321

Todas ang tatlong armadong lalaki matapos makipaghabu­lan at makipagbarilan sa mga pulis sa isang checkpoint noong Huwebes sa Barangay Angad, Bangued, Ilocos Norte.

Ayon kay Abra Philippine National Police (PNP) provincial police director P/Col. Alfredo Dangani, kasalukayan pang inaalam ang pagkakilanlan ng mga namatay na suspek na nagtamo ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na report, sinabi ni Dangani na nangyari ang insidente sa Zone 7, Brgy. Angad habang ang tatlong suspek na sakay ng isang tricycle ay padaan sa isang police checkpoint.

Pinara umano ng isang pulis ang tricycle ngunit imbes na huminto, pinaharurot umano ng isa sa mga suspek ang tricycle dahilan upang habulin sila ng mga operatiba.

Unang nagpaputok ang mga suspek kaya napilitang gumanti ang mga awtoridad hanggang sa tamaan ang mga suspek.

Nagsasagawa ng follow-up investigation ang Abra PNP upang kilalanin ang mga nasawi. (Allan Bergonia)