Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Humingi ng tax declaration sa pinagawang bahay

0 49

Atty. Claire good day po isa po akong OFW.

May katanungan lang po ako tungkol sa lupa na pinatayuan ko ng bahay. Ang lupa po ay hindi sa akin kundi sa asawa ko po na pinamana sa kanya ng kanyang ina pero wala silang land title at almost 40years na po sila nakatira sa lupa.

Pamilya rin nila ang nagbabayad ng tax taon-taon. Pero sabi nila meron daw ibang tao na nagmamay-ari ng lupa pero matagal ng hindi nagpakita or nag claim ng lupa nila. Ano po ang pwede kong gawin para makakuha ng land title sa lupa na tinatayuan ng bahay ko ngayon?

Sana po mabigyan nyo po ako ng magandang advice kung ano ang dapat kung gawin.Mabuhay po kayo at God bless po.

Salamat po,

Anvy

Mr. Anvy,

Ang gawin n’yo po muna ay ipa-declare o magpa-isyu kayo ng tax declaration para sa bahay na pinagawa ninyo Para magkaroon kayo ng karapatan sa bahay. Pagkatapos ay pumunta kayo sa CENRO at try nyo makapag-apply ng survey claim at doon nyo malalaman kung totoo ba na may nagmamay-ari ng lupa dahil iimbestigahan ito kung may nauna na sa inyong nag claim. Kung halimbawa naman na may nauna nang nag apply ng survey claim pero kaya ninyong patunayan na mas nauna ang pamilya ng asawa mo na tumira doon ay maaari ninyong tutulan ang nag apply (sana wala pang titulo na naparehistro sa ibang tao) at magkakaroon kayo ng usapin sa CENRO. Kung may titulo na ito na nakarehistro sa Register of Deeds at tunay na mas nauna pa sila kaysa sa inyo ay hindi na po ito magiging inyo at di na po ito mapapatituluhan sa pangalan ninyo. Ang mga naibayad na amilyar ay magiging utang lamang ng may ari sa inyo. Kaya’t mas mainam na simulan na ninyo dahil maraming taong maaaring magpanggap na sila ang occupant ng lupa kahit ang totoo ay kayo ang nakaposisyon.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel batas with Atty. Claire Castro. Subaybayin din po ninyo ang Asintado sa Abante News Online (Facebook) tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 8:00 PM kung saan maaari kayong dumulog para sa inyong problema at mabigyan ng tugon sa abot ng aming makakaya

Leave A Reply

Your email address will not be published.