Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Humirit ng 1 platong kanin, mister saksak inabot kay esmi

0 88

IMBES na pagkain, isang saksak sa katawan ang inihain ng isang misis sa kanyang mister na maghahapunan kamakalawa sa Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Ayon sa report ng Sto. Domingo Police Station (SDPS) ang biktima ay itinago sa pangalang “Luis”, ng nasabing bayan. Samantala, arestado naman ang misis nitong si “Josie”, di tunay na pangalan.

Sa imbestigasyon, bago mangyari ang insidente, maghahapunan umano si Luis at humingi ng isang platong kanin sa kanyang misis.

Sa hindi malamang dahilan, bigla nang nagtalo ang mag-asawa hanggang sa saksakin ng misis ang kanyang mister na nagpasandok umano ng kanin kahit malapit siya sa kaldero.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay SDPS officer-in-charge P/Lt. Rodel Marzon, sinabi ng suspek na self-defense umano ang nangyari dahil sinusuntok umano siya ng asawa.

Ngunit nang tanungin ang mga anak, wala umano silang nakitang sinuntok ng ama ang kanilang ina.

Sinabi ng pulisya na iba-iba rin umano ang sinasabi ng ginang at inihayag ng mga kaanak na tila may problema umano ito sa pag-iisip. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.