Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hundred Islands bukas sa Mahal na Araw

0 184

Bukas sa mga turista ang Hundred Islands National Park sa Alaminos City, Pangasinan ngayong Holy Week.

Ngunit hindi pupuwede ang mga bisitang mula sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine.

Maaaring mabisita ang Alaminos City mula Abril 1 hanggang Abril 4.

Ayon kay City Tourism Officer Miguel Sison, mahigpit nilang ipatutupad ang mga health protocol at limitado lamang ang mga bisita sa 1,500 kada araw.

Pinapayagan sa mga isla ang pagsi-swimming, diving at zipline adventure.

Requirement ang ID at negatibong resulta ng RT-PCR test. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.