Abante Tonite Interactive

Hunk actor ayaw kumawala sa palda ng ina

By
0 162
tonite-no-thanks-cristy-fermin

Abante Hiring – IT dep

MAMA’S boy. Naninirahan sa ilalim ng palda ng kanyang ina. Binata na pero dumododo pa rin sa kanyang nanay. Isang sanggol na nakapantalon kung ilarawan ng kanyang mga kakilala-katrabaho ang isang hunk actor.
Ipinaglalaban din ng mga ito na walang amoy ng kabadingan ang hunk actor. Wala raw bahid ang kanyang pagkalalaki. Hindi siya pamintang buo at ­durog.
Sabi ng aming source, “Effeminate lang siya. Palibhasa, nanay lang niya ang mas mahaba niyang nakasama habang lu­malaki siya. Puwede siyang tawaging mama’s boy, dahil totoo naman, pero hindi siya becki!” madiing sabi ng aming impormante.
Puwedeng mangyari ‘yun. Merong isang basketbolistang nakikipagbalyahan sa hardcourt, nakikipag-upakan talaga sa paglalaro, pero ­mama’s boy.
Nakarelasyon ng isang aktres ang basketball player, pero hiniwalayan din nito agad, dahil lahat na lang ng gagawin ng basketbolista ay ipinagpapaalam pa nito sa kanyang ina.
Sasabihin ng maga­ling na cager, “Mom, can I have may haircut? It’s kinda long na kasi.” Sasabihin naman ng kanyang mommy, “No, son, you look good with long hair.”
Sabi ng source, “Kahit pa sinasabi na ng girlfriend niya na mukhang untidy na siya dahil sa mahaba niyang buhok, e, hindi siya susundin ng basketball player-boyfriend niya. Kasi nga, ayaw ng nanay niya na magpagupit na siya.
“Ayun, hindi nakatiis si ____(pangalan ng female personality), nakipag-break siya sa boyfriend niyang mama’s boy!” kuwento ng aming source.
Puwedeng ganu’n din ang sitwasyon ng kontrobersiyal na hunk actor. Hindi verde ang kanyang dugo, diretso siya, pero talagang hindi pa siya naaawat sa laylayan ng palda ng kanyang nanay.
Pahabol pa ng ­aming impormante, “Kaya mahalagang may father figure ang anak, importante ‘yun, dahil kapag wala, ganyan ang kinalalabasan. Malambot ang bata, kilos-becki, dahil walang kasamang tatay sa paglaki.”
Ganu’n daw.

Gretchen umutot lang

SUMASALUDO kay Kris Aquino ang mga nakakausap namin dahil sa ginawa niyang pagke-care bears sa mga patut­sada sa kanya ni Gretchen Barretto. Nakiangkas din sa tsubibo si ­Enchong Dee.
Pero sa halip na sumagot ay hindi palakain ng patola si Kris Aquino, binalikan niya ang magandang ginawa ni Gretchen nu’ng kumandidatong pangulo ang namayapa niyang ina, ‘yun ang nagsarado sa pintuan ng kontrobersiya at hinihintay sanang madugong patutsadahan nila ni Gretchen.
“Nice one! Huwag na lang talaga niyang patulan ang patutsada ng mga taong walang career! They have so much time to talk at makisawsaw, kasi nga, wala silang pinagkaka­abalahan!” text sa amin ni prop.
Pero parang umutot lang naman si Gretchen. Pagkatapos nitong sabihing no to bullying at pagpo-post ng picture ni Michela Cazzola bilang pang-inis kay Kris ay wala nang sumunod pa du’n.
Ganu’n lang si Gretchen, sumpungin, kapag gusto nitong makisawsaw ay walang makapipigil sa kanya. Pero kapag naramdaman na ng aktres na walang kumakampi sa kanya sa laban ay umaatras din ito.
Sa kokonting salitang binitiwan ni Gretchen ay sangdamakmak ang ipinakaing ampalaya sa kanya ng mga netizens. Kinalkal pa ang pagiging huwad nitong Cojuangco kumpara sa legal at tunay na Cojuangcong si Kris Aquino.
Nasa Singapore pa si Kris ngayon kasama ang kanyang bunsong si Bimby. Matindihang gamutan ang kanyang pinagdadaanan, maraming prosesong ginagawa sa kanya ang mga espesyalista, para matumbok na kung ano talaga ang kanyang dinaramdam.
Saganang-sagana sa positibong pagbati sa kanya ang mga netizens, puro “get well soon” messages ang mababasa, at totoo namang harinawang maging maayos na ang kanyang kalusugan pagkatapos ng gamutang ito.