Abante Tonite Interactive

Hunk actor ayaw umaming nalawayan ng bading

655

Ano pa kaya ang dapat gawin para sa isang pelikulang para sa mas nakakarami ang pangmalasakansing dating ay bagong luma na?

How do you make something irrelevant at may chance na sayang ang hard earned pesos mo pa rito? Almost forgotten at kinabigla pa nga na andiyan pa pala siya, ayaw palupig ang pag-asa, tuloy pa rin talaga ang showing?

Kung babasehan mo ang mga bagong chika, andiyang walang tampuhan ang bida sa kanyang director.

May drama rin na ang bida, gusto sanang ang icon na siyang nagbukas pinto sa kanya, hingin ang stamp of approval na ito na ayain ang milyon-milyon nitong mga taga-subaybay na bigyang panahon at pagkakataon ang kanyang pelikula. Gusto na rin niyang magpalakasang magpaumanhin rito at nawa’y yakapin siyang muli hindi bilang co-host, kundi bilang naging kakilala, bilang tao.

Ang kanyang kaparehang lalaki naman, ang mga emote ang mga kuwentong gay classmates, hindi lang pang-flashback, pang-throwback at hitback pa.

Sigurado naman tayo na ang hunky kapareha, walang kahit na anong pag-amin kung siya ba ay may sekswal na karanasan sa bading na lantad o sa bading na tago.

Ang katuwang na babae ni bida, masaya sa emote na tama ang kanyang desisyon na itigil na ang hubadera, sexy at patigasin natin ang mga ugat ng mga hombre na hangang-hanga at grabe at pagnanasa sa kanya.

Hindi ba nakakapagtaka bakit tila wala man lang nagsasabi sa atin kung bakit nakakatawa ang pelikula?

Na wala man lang run down, kahit man lang limang eksenang magkakandaihi ka sa katatawa at ang halakhak mo ay hindi lang basta halakhak kundi hagalpak?

‘Yung mga merito nito, “secret” pa rin talaga? Ang ipinangalandakan sa opisyal na trailer, ‘yun na ba talaga?

Sino ba kasi ang nagbigay na super bright idea na ang bida ay hinog na at kaya na nitong marahuyo ang kanilang mga loyalist at supporters na mula Batanes hanggang Jolo, go for gold ‘pag nasa sinehan ang dapat una nilang comeback offering?

Gusto niyo po bang pangalanan ko pa kung ano ang bagong lumang pelikula? Hindi po ba tukoy na tukoy na?

May solusyong bonggang-bongga sana akong gusto i-suhestiyon kung paiigtingin ang hornet’s nest. Kaso sobrang kind and generous ko naman po kung sasabihin ko kung ano. ‘Yun lang.

Kaya sa mga kasali sa “Kiko en Lala”, may mas malaki pa kayong puwedeng panghawakan para maiba ang nakatakda, pananalig at panalangin. May milagro, basta kayong lahat ay kakapit sa Maykapal. Dama ko na kayo ang magiging millennial Elsa. May himala.

***

Gabbi-Khalil nilampaso ng ‘Panti Sisters’

May emote na tanong si Gabbi Garcia. Nakakakilig daw ba sila ni Khalil Ramos?

Siguro naman Bb. Garcia alam na alam mo na ang sagot. ‘Di hamak na mas pangmalakasan ang harot, rahuyo at kilig ng lahat sa “The Panti Sisters”. Panalo ang mga baklang bayagan!

Ang ilan pang entries na na mas kinikig sila keysa sa inyo ni Ramos ay ang “Open” na balita ko naka-5.7M na daw sa dalawang araw na showing at ang “Cuddle Weather” na 2.6M na ang kinilig.

O, Gabbi, alam na alam mo na, huh!