Abante Tonite Interactive

Hunk actor bagets player ang bet

821

MAY multiple choice na ibinigay ang aming source tungkol sa isang kilalang hunk actor na madalas makitang nanonood ng practice ng isang grupo ng mga bagets players ng isang kilalang eskuwelahan ng mga yayamanin.

Ang drama ng hunk actor ay meron siyang kaibigang player, nu’ng minsan naman ay nangatwiran siya na kamag-anak niya ang isa sa mga ball players ng school, alin daw ba sa dalawang dahilan na ibinibigay niya ang totoo?
Kuwento ng isang source, “Three times na siyang nanonood ng practice, mag-isa lang siyang nanonood, wala siyang kasama. Nagtatanungan nga ang mga nandu’n kung ano ang ginagawa niya du’n?

“Kahit ang mga players, e, nagtatanungan kung bakti siya nandu’n? So, hindi totoong may kaibigan o relative siya sa grupo, dahil walang player na nagsasabing kilala siya!

“Sabi ng isang Boogie Wonderland, e, mga bagets na ang peg nu’ng hunk actor. Mas bagets, mas bet niya!” natatawang komento pa ng impormante.
Marami silang pinagdududahan ang gender, may hunk actor, may singer, may model, may dramatic actor!

Huling sultada ng aming source, “Kayo na ang pumili kung sino sa kanila ang madalas makita sa practice ng grupo. Initials lang, ha?
“Sino sa palagay n’yo? Si P ba? Si J? Si E? Si T? Si L? Sinoooo!!!!” pagtatapos ng aming impormante.

Ahahay!

Female personality nanganak ang katawan

KAILANGAN pang magbagsak ng mga sobra-sobrang taba sa katawan ang isang kilalang female personality. Siguradong laman naman siya ng gym at nagda-diet siya pero may napapansin pa rin ang marami sa bulto ng kanyang katawan.

Bigla kasing lumaki ang kanyang boobs, lumapad din ang kanyang balakang, ang mga ganu’ng paglalarawan ay karaniwang ikinakambal ng mas nakararami sa panganganak.

Sabi ng aming source, “Hindi naman tayo ipinanganak kahapon, alam natin ang postura ng babaeng nanganak na sa hindi pa. Magkaiba ang bulto ng pangangatawan nila.

“‘Yun kay female personality, e, kapansin-pansin talaga, hindi naman siya ganyan dati, hindi kalaparan ang balakang niya,” pagpansin ng impormante.

Kung walang katotohanan ang napabalita tungkol nu’n sa female personality na nanganak siya ay napakadali namang gamutin ng kuwento.
Magsalita siya! Kontrahin niya ang kuwento kung hindi naman totoo!
Pero kung totoo–aminin!!!! Tapos ang istorya!

Melai ‘di pikon kay Karla

NAKAKAALARMA para kay Daniel Padilla ang mga hindi kagandahang isyung kinapapalooban ni Karla Estrada. Hindi nagsasalita si Melai Cantiveros pero ang manonood na ang nagtatanggol sa komedyana sa mga ginagawa sa kanya ni Karla.

Maraming nagbibigay ng reaksiyon tungkol sa pambu-bully ni Karla sa kanyang kasamahang artista, mabuti na lang daw at hindi pikon si Melai, dahil kung kaugali niya ito ay baka sila mag-away sa ere.

Sabi ng isang source, “I noticed that Karla is so mean to Melai. Insults to a co-host is not okey, she’s not setting a good example. Bakit niya ipinapahiya ang co-host niya? E, hindi naman siya magaling!” sabi nito.

Komento naman ng isa pang palaging nakatutok sa kanilang morning show, “I always believe that a good show requires a good host. A good conversation requires good people. A good story requires a good writer.

“If she talks badly in the show, then, she should be taken out. It doesn’t matter if she’s ultra rich. It doesn’t matter is she’s in-love.

“It doesn’t matter if she’s the mother of Daniel Padilla. What matters the most is that she no longer serves the good image of the show,” pagpansin pa ng source.

At may nagkomento pa na kung mawawala si Karla Estrada sa Magandang Buhay ay tatakbo pa rin nang maayos ang programa. Pero kapag si Melai Cantiveros ang nawala ay mararamdaman ang malaking kulang.

Kailangan nang maghinay-hinay ni Karla Estrada. Lumagay siya sa tamang puwesto para hindi siya kinaiinisan ng ating mga kababayan.

Nakakalaarma nga naman ‘yun para kay Daniel Padilla.