Abante Tonite Interactive

Hunk actor bangungot sa promoter

0 475

Imbiyerna ang isang promoter sa isang hunky aktor (HA) na kinuha niya para sa isang out of town raket kamakailan.

Sa apat na kilalang aktor kasi na kinuha ni promoter ay si HA ang bukod tanging nag-inarte nang bongga at hindi sumunod sa usapan.

Hindi kasi naibigay on time ni promoter ang full payment ng invited celebs at nagpasabi siyang on the day of the event na lang iaabot ang kabuuang bayad sa mga artista, na inoohan naman ng tatlong aktor maliban kay HA.

Sina aktor #1 (A1) at aktor #2 (A2) na magkasama sa iisang network ay dumating on time at nakipag-lunch with the mayor gaya ng napagkasunduan.

Si aktor #3 (A3) na tagakabilang istasyon ay hindi nakasama sa lunch pero dumating ito in time for the motorcade na ‘yun talaga ang isinadya nila roon. Natanggap nila ang kabuuang bayad bago sila nag-motorcade gaya ng ipinangako ni promoter.

Na-delay ang motorcade dahil hinihintay si HA, pero alas-tres na ng hapon nang dumating ito. At ang drama pa ni HA, hindi ito sasampa sa motorcade hangga’t hindi naidedeposito ni promoter ang kulang na TF nito.

Nalokah si promoter dahil ibinibigay na niya kay HA ang cash na kabuuang bayad nito, pero ang gusto ni HA ay ideposito ‘yon ni promoter samantalang kung dumating ito nang maaga ay nakuha na dapat nito ang full payment nito tulad nina A1, A2 at A3.

Nang magawan na ng paraan ang demand ni HA ay nag-motorcade na ito, pero matamlay ito at walang kabuhay-buhay habang ang mga kasama nitong aktor na may kanya-kanyang sasakyan sa parada ay ine-enjoy ang motorcade at ang pagkaway-kaway sa mga tao sa probinsiyang ‘yon.

As in 2 hours na motorcade lang ang gagawin ng invited celebs, walang show, pero nag-attitude pa si HA. After ng motorcade ay may pakain ulit sa bahay ni mayor at doon tumuloy ang grupo, pero hindi nag-join si HA.

Stressed na stressed ang kawawang promoter sa pagdi-diva-diva-han ni hunky actor samantalang wala siyang kaproble-problema sa tatlong kilalang aktor na kasama nito.

Kung tutuusin, ang may karapatang mag-inarte o mag-demand ay si A1 na pinakasikat sa kanilang lahat, pero napaka-professional nito at hindi ito sakit ng ulo gaya ng feelingerong si HA.

Sa sobrang irita ni promoter kay HA ay sumumpa siyang never na itong kukunin sa anumang raket.

Actually, ayaw niya tala-gang kunin si HA dahil aware siyang may attitude ito, kaya lang ay ito ang ni-request ng kanyang kliyente so wala siyang choice… ayun tuloy!

Akala niya ay nagbago na si HA dahil nabalita na ito noon na mahirap ka-deal sa mga out of town event, ‘yun pala ay ganu’n pa rin ito.
Isa itong certified promo-ter’s nightmare! PAK!!
***

Migo tipong bad boy sa kama

In all fairness ay ang lakas ng dating ni Migo Adecer sa “Sahaya” at may sexual chemistry sila ni Bianca Umali, huh!

Obvious na may gusto ang Manila boy character ni Migo na si Jordan sa Badjaw girl na si Sahaya at ramdam ‘yung sexual tension sa mga eksena nilang dalawa.

Ang sexy ni Bianca sa pa-wet look scene nito na naliligo sa ulan tapos ay nag-join sa kanya si Migo na may pa-wet biceps din na yummy-yummy-han.

Guwaping kasi si Migo at ang borta na ng katawan ng 19-anyos na Kapuso actor kaya sakto siyang ipareha sa gandarang si Bianca.

Actually, mas nagkaroon ng dating at sex appeal si Migo nang masangkot siya sa isang insidente kamakailan kung saan nagkaroon ng ingay ang pangalan niya.

Sa isang kilalang gay site ay talap-talap ang shirtless pic niya by the pool na hunk na hunk ang kanyang dating.

Ang sexy rin nu’ng tattoo niya sa may kaliwang braso at sa may balikat. Astig daw ang dating ni Migo na tipong bad boy din sa kama. Sabeh?!
Ayun tuloy, nakahanap ng karibal ang karakter ni Miguel Tanfelix na si Ahmad sa city boy na si Jordan.

Cutie pie din si Miguel, pero ‘pag nagtabi kasi sila ni Migo ay medyo lamang ito bilang 5’10” si Migo at 5’6” lang si Miguel.

Tapos ay nase-sepanx si Jordan at ayaw pauwiin si Sahaya sa probinsiya. Pag-aagawan tuloy ng dalawang boys si Bianca.