Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hunk actor binebenta ang cellphone galing sa beki

0 93

Maraming nagtatanungan ngayon kung saan nanggagaling ang mga ibinebentang gadgets ng isang male personality. Kinokontak niya ang mga kaibigan niya, may iniaalok siyang iba-ibang gadgets, may bagong hanapbuhay na raw ba siya ngayon?

Lahat ng mga gadgets na kailangan para sa telepono ay meron siya, pati mga bagung-bagong cellphone ay may ibinebenta rin ang male personality, ‘yun na raw ba ang kanyang hanapbuhay ngayon?

Kuwento ng isang source, “Ngayon pa lang siguro niya nararamdaman na kinakapos na siya. Dati kasi, kahit pandemya, e, meron pa rin naman siyang trabaho.

“Nagge-guest siya sa mga serye, mabilisang trabaho lang, pero siyempre, may talent fee siya! Pero nitong mga huling buwan kasi, e, wala na siyang ginagawa, ramdam na niyang patuloy ang pagkawasak ng bulsa niya!” unang kuwento ng aming impormante.

Nagbebenta na lang ba siya ng mga gadgets ngayon? Saan niya kinukuha ang mga teleponong ibinebenta niya? Namuhunan ba siya sa pagbebenta ng mga gadgets?

Biglang reaksiyon ng aming source, “Ha? Mamumuhunan ba siya ngayon, e, feel na feel nga niya ang pangangailangan niya? Naku, mautak ang lalaking ‘yon!

“Remember, marami siyang nakikilalang businessmen, very generous siya, sumasama siya sa beki kahit sa ibang bansa pa! Natural, bagong labas na cellphone ang ihinihirit niya!

“Aanhin ba naman niya ang maraming cellphone? Saka puro sealed pa ang mga iniaalok niya, hindi pa nabubuksan, kaya ang ibig sabihin, e, marami siyang ganu’n!

“Mautak ang hunk actor na ‘yon, kailangang maging worth ang ibibigay niyang time sa mga nakikipag-close na beki sa kanya! Hindi puwede sa kanya ang chika-chika lang!

“Dapat, meron siyang magaganansiya sa beki! Alangan namang car ang ilambing niya, walang magbibigay sa kanya nu’n ngayong pandemya!

“Ilang friends na ba ang tinawagan niya para bentahan ng mga gadgets, marami na! At palugi na ang benta niya! Bakit nga naman,, e, wala naman siyang puhunan du’n kundi ang pagiging generous niya sa pagsama sa bading?

“Kung wala namang puhunan, kahit palugi na ang presyo, maging pera lang, di ba naman? Saka hindi na pala siya dumadaan ngayon sa mga Boogie Wonderland! Solo-solo na lang ang laban niya!

“Siya na lang ang nakikipag-deal sa beki, wala na siyang dyugaling, sayang pa raw kasi ang kakaltasing komisyon sa kanya! Ang nagagawa nga naman ng pagiging makinis at kahit sa malayuan, e, mukhang mabango!” madiing pagtatapos ng aming source.

John Lloyd uso sa pagkahol ng bayan

Si John Lloyd Cruz ang nagpasikat sa terminong “Ingat!” Kunektado ‘yon sa isang brand ng paracetamol na siya ang modelo ng isang laboratory ng mga gamot.

Kahit saan magpunta si Lloydie ay ‘yon ang sigaw sa kanya ng ating mga kababayan—“Ingat!” Napapanahong paksa dahil nagkakaubusan ngayon ng paracetamol sa mga botika.

Usung-uso ang sipon at ubo ngayon. Hindi na mga aso lang ang kumakahol ngayon, ang buong bayan ay kahulan nang kahulan, dahil sa matinding mikrobyo ng ubo.

Nakakatakot ang mga pahiwatig na napapanood natin. Kapag umuubo at sinisipon daw, kahit walang lagnat ay kailangan nang magpa-check-up, ‘yon daw kasi ang palatandaan ng Omicron virus.

Natural, nerbiyos na nerbiyos ang mga kababayan natin, lalo na ang mga hindi pa bakunado. Tama lang naman ang abiso na kailangan nating magpabakuna. Kapitan man tayo ng virus ay may mga sundalo nang nakikipaglaban sa atin dahil sa bakuna.

Pero may mga ayaw pa ring magpabakuna. Ang sipon at ubo raw na kalat na kalat ngayon ay sanhi lang ng Amihan. Taun-taon daw naman ay sumasargo talaga ang ubo at sipon kapag nagpapalit na ng klima sa ating bayan.

Bakuna pa rin ang pinakamabisang armas sa anumang sakit. Isang turok lang naman ‘yon na parang kagat lang ng langgam. Isang hinga lang nang malalim ay tapos na ang laban.

Leave A Reply

Your email address will not be published.