Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hunk actor buking ang kabit na bakla

0 321

Hindi naman pala bulag, pipi at bingi ang isang pamosong young actress nu’ng magkarelasyon pa sila ng isang kilalang hunk actor. May pang-amoy naman pala siya sa mga nagaganap sa kanyang paligid.

Hindi naman pala ngayon at may kaliitan ang butas ng ilong ng female personality ay wala na siyang pakialam sa mga aktibidades ng kanyang boyfriend.

Kuwento ng isang source, “Natural, in denial siya sa mga kuwentong nakararating sa kanya. Ganu’n naman talaga ang babaeng inlabey, kaya niyang magpakatanga, di ba?

“Pero siyempre, kasabay ng pagpapakatanga niya ang pagiging mapag-imbestiga rin, gusto niya kasing may mapatunayan sa sarili niya. ‘Yung siya mismo ang makakadiskubre sa mga kuwentong nakararating sa kanya,” unang komento ng aming source.

Matagal na kasing napapabalita na ipinaglihi sa patola ang hunk actor. Mapagpatol kuno ito sa mga becking nagpapakita ng interes sa kanya, lalo na kapag madatung, nagbibigay talaga ito ng senyal na okey lang.

Patuloy ng aming impormante, “May mga nagbubulong na sa kanya na may ginagawang milagro ang boyfriend niya, pero ayaw niyang maniwala, sinisiraan lang daw ang kanyang BF.

“Pero walang kaalam-alam ang mga taong nakapalibot sa girl na gumagawa pala siya ng sarili niyang investigation. Tinututukan niya ang schedule ng lalaki, pinag-aaralan niya ang mga galaw ng guy!

“Nu’ng bandang huli, e, siya na mismo ang nagtataka sa kung anik-anik na nabibili ng boyfriend niya, nagtatanong siya, saan nanggagaling ang datung ng boyfriend niya?

“E, alam niya naman kung magkano ang kinikita ng guy, alam niya rin kung anu-ano ang ipinupundar ng BF niya, pero bakit parang may mali?

“Hanggang sa nalaman na nga niyang may azucarera de fafa ang boyfriend niya, madatung na businessman, sunod ang luho ng lalaki sa kanyang gay benefactor. Nag-umpisa nang magduda ang girl, nagtatanong na siya, na natural lang na magaling namang magdenay ang boyfriend niya.

“Nu’ng mag-break sila, e, isa lang ang sinabi ng mga friends ng girl, mabuti naman kuno at natauhan na siya, dahil meron siyang kasalo sa pagmamahal ng hunk actor na maparaan.

“May karelasyon na naman ang guy, pagkatapos nilang mag-break ng girl, agad-agad, meron na siyang nakuhang kapalit. Pero hindi pa nila inaamin ang relasyon nila, kesehodang bukelya na silang dalawa ng mga utaw!” natatawang pagtatapos ng aming source.

Raffy nasapawan sina Erwin,Ben, Ramon

Panahon ngayon ni Raffy Tulfo. Sa kanilang magkakapatid na broadcasters ay siya ang pinipiling lapitan at pagsumbungan ngayon ng mga problemado nating kababayan.

Ayaw niyang tanggapin pero iniwan niya na nang milya-milya ang mga kapatid niyang sina Kuya Ramon, Ben at Erwin na aktibo rin naman sa kanilang trabaho.

Biglang lumobo ang bilang ng mga nagtitiwala kay Kuya Raffy, nu’ng wala pang pandemya ay parang laging may rally sa harapan ng TV5, du’n na nga natutulog ang mga kababayan nating nanggagaling pa sa malalayong probinsiya.

Siya ang itinuturing na hari ng YouTube ngayon dahil sa laki ng numero ng kanyang mga tagasubaybay, buong mundo ang nakatutok sa kanya, basta may mga OFW.

Pero kakambal ng kanyang tagumpay ang mga pamba-bash, may mga tumutuligsa sa matapang na broadcaster, bakit daw niya inilalagay sa kanyang mga kamay ang pagresolba sa mga poblemang legal na idinudulog sa kanya samantalang hindi naman siya abogado at piskal?

Naliligaw ang mga umuupak kay Raffy Tulfo, kung totoong natututukan nila ang mga programang “Idol In Action” at “Wanted Sa Radyo” ay malalaman nila na hindi niya pinangungunahan ang korte, tinutulungan lang niya ang mga walang kalaban-laban nating kababayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng abogado.

Hanggang du’n lang ang kanyang ginagawa, hindi niya inaagawan ng papel ang mga abogado, siya lang ang sumasagot sa mga gastos ng mga lumalapit sa kanya.

Sabi ng matapang pero mapusong broadcaster, “Pero kailangan naming imbestigahan muna ang mga kasong inilalapit sa amin dahil mahirap na. Baka maling kabayo ang matayaan namin.

“Kapag napatunayan naming nasa tama ang nagrereklamo at walang-wala talagang pagkukunan, du’n lang ako pumapasok,” sinserong pahayag ni Raffy Tulfo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.