Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hunk actor burara sa kaharutan

0 395

Ngayon na lang naglalabasan ang mga kuwento tungkol sa isang hunk actor na palaging pinagdududahan ang kasarian. Ayaw talagang mamatay-matay ang mga kuwento, napakaguwapo niya nga naman, pero totoo bang kauri rin niya ang hanap ng hunk actor?

Hindi rin naman kasi nag-iingat ang hunk actor na ito, para pa niyang ipinaparada ang kanyang mga pinaggagagawa, kaya palaging buhay na buhay ang tanong kung may bahid ba ang kanyang pagkalalaki?

Kuwento ng aming source, “One time, bumiyahe siya kasama ang mga kaibigan niyang lalaki. Puro sila guys, wala silang kasamang babae, ‘yun daw kasi ang happiness ni hunk actor, ‘yung puro lalaki lang ang kasama niya.

“Nag-drive sila papunta sa malalayong probinsiya sa Norte, kaya natural lang na nauuhaw-nagugutom sila, kaya dumadaan muna sila sa mga gasolinahang maraming food chain.

“Naku, kitang-kita ng mga nandu’n kung gaano kasaya si ____(pangalan ng bruskong male personality), tawanan sila nang tawanan, pero giveaway agad kung sino sa mga lalaking kasama niya ang pinaka-close to his heart,” umpisang kuwento ng aming source.

‘Yun daw ang tisoy na guy na tipong artista rin, matangkad, guwapo, maganda ang katawan at mukhang suplado.

Patuloy ng aming source, “E, paano namang hindi ‘yun mahuhulaan ng mga usisero, e, silang dalawa ang magkatabi.
Asikasong-asikaso ng hunk actor ang guy, siya pa ang kumukuha ng kung anumang kailangan ng guy!

“Akala siguro ng hunk actor, e, walang nakatingin sa kanila, hindi niya alam na para silang isda sa aquarium na tinititigan ng mga nandu’n, kaya libreng-libre niyang gawin ang mga kahitaran niya!

“’Yun ang problema sa hunk actor na ito, hindi siya maingat, burara siya pagdating sa pagpapasaya sa sarili niya! Haaay, ang guwapo pa naman niya!

“Siya ang iniilusyong makasiping ng mga becki, siya ang type na type ng mga kabaklaan, kasi nga, may naaamoy silang kakaiba sa hunk actor!

SM food to go Banner Ad

“Bruskong-bursko ang datingan niya, pero dukutin mo naman ang puso niya at kakaiba ang type niya! Ahahay!” napapailing na lang na pagtatapos ng aming impormante.

Huling halik kay April Boy parang nauupos na kandila ang esmi

Ikinuwento ng mga kaibigan namin ang emosyonal na kaganapan nang ihatid na sa kanyang huling hantungan ang Jukebox Idol na si April “Boy” Regino nu’ng Linggo nang hapon.

Mula sa Idol Star bar kung saan siya pinaglamayan nang eksaktong isang linggo hanggang sa Valley Of Sympathy kung saan siya inilibing ay nag-abang sa kalsada ang mga nagmamahal na tagasuporta ni April Boy.

Kuwento ng aming kaibigan, “Nakakapangilabot, habang dumadaan ang funeral march ni April Boy, tinutugtog ang mga pinasikat niyang kanta. Nakaabang naman sa kalsada ang mga fans niya, may dala-dala pa silang mga placards,” sabi nito.

Ayon sa pamunuan ng memorial park ay apatnapung tao lang ang papayagan sa mismong puntod ng Jukebox Idol pero hindi ‘yun nasunod. Pagpasok pa lang ng karo sa paglilibingan ay napakarami nang sasakyang nandu’n.

Si Madelyn de Leon Regino na, misis ng namayapang singer ang nadetalye, “Hindi rin po namin alam kung saan-saan sila nanggaling. Hindi rin po kami familiar sa mukha nila. Mas nauna pa nga po sila sa amin.”

Nakiusap si Madel na muling buksan ang kabaong ng kanyang mister, ‘yun na ang senyal ng huli nitong pagsilip sa pisikal na katawan ni April Boy, kinilabutan ang lahat ng mga nandu’n.

“Huling-huli na po kasi, hindi na namin makakasama habambuhay ang asawa ko, kaya hinalikan ko po siya sa noo, sa pisngi, at ang pinakahuli, sa labi niya.

“Para po akong nauupos na kandila habang hinahalikan ko si April. Malamig na malamig po ang katawan niya, matigas na, pero pakiramdam ko po, e, buhay na buhay pa rin ang asawa ko,” umiiyak na pagkukuwento ni Madel.

Kahapon nang umaga, sa kanyang paggising, ay isa lang ang naging tanong ni Madel sa kanilang mga anak na sina Charmaine at JC, “Mga anak, paano ba tayo uli magsisimula ngayong wala na ang daddy n’yo?”
(30)

Leave A Reply

Your email address will not be published.