Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hunk actor, businessman nabuking ang relasyon ng esmi

0 267

Wala pang pandemya ay talagang nangangailangan na ang isang hunk actor. Hindi naman kasi kalakihan ang talent fee niya sa mga seryeng ginagawa niya sa kanilang network.

Hindi nagkakasya ang kanyang kinikita, siya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya, kaya kailangan niya ang tulong na manggagaling sa ibang tao.

Kuwento ng aming source, “Kumapit siya sa patalim. Nu’ng una, e, nakipagkaibigan lang muna siya sa isang businessman. Pero nu’ng magtagal na, e, naglantad na siya ng mga baraha niya sa mesa.

“Naging magkarelasyon na sila, meron nang inaasahan sa mga pangangailangan niya ang hunk actor. Pero ginawa niyang kumplikado ang buhay niya.

“’Yung mga totoong pangangailangan lang niya, e, hinaluan na niya ng mga granatsa. Nakipagsabayan na siya sa mga co-actors niya na nakaluluwag sa buhay.

“Marami na siyang hinihingi sa karelasyon niyang businessman. Hindi na basta ang mga prayoridad lang niyang needs, kung anu-ano na ang ipinabibili nihya,” pagpapakilala ng aming impormante sa hunk actor.

Sa kamalasan ay nabuking ng misis ng businessman ang kanilang relasyon. Sinubaybayan na nito ang namamagitan sa kanila ng negosyante.

Patuloy ng aming source, “Kung kailan naman pandemya, e, saka pa sila nabuko ng girl. Talagang binusisi ng misis ng businessman ang mga transaksiyon nila.

“Napakasuwerteng hunk actor, libre na nga ang tinitirhan nila, pati ang kuryente at tubig nila, ang karelasyon pa rin niyang negosyante ang nagbabayad!

“At dalawang kotse pa ang halinhinan niyang ginagamit sa pagtatrabaho na ang press release niya sa mga kasamahan niyang artista, e, nabili lang daw niya nang mura sa isang kaibigan.

“Pero dinaot ang hunk actor! Bukod sa misis ng businessman na nakabuking sa relasyon nila, e, nalaman din nu’ng negosyante na may karelasyon pala siyang female personality!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“’Yun na ang ending ng kaginhawahan ng hunk actor, back to kakapusan na naman siya, wala nang umaayuda sa mga pangangailangan ng pamilya niya!

“Kasi naman, mapagsamantala na nga siya, e, two-timer pa! Buti nga sa kanya!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.
-o0o-
John Lloyd bumawi sa inagaw ng showbiz

Siguro nga ay mas malalim ang hinahanap na kalayaan at kapribaduhan ng buhay ng mga personalidad na maagang nagsimula sa pag-aartista. Ninakaw na kasi ng trabaho ang kanilang panahon.

Palagi na lang silang nakaharap sa mga camera, parang kagamitang de-buton na kailangang lumuha kung ‘yun ang hinihingi ng ginagampanan nilang papel, halos wala na silang oras para sa kanilang sarili.

Ganu’n ang nakikita naming nagaganap ngayon kay John Lloyd Cruz. Maaga siyang nag-artista, teenager pa lang siya ay puro camera na ang kaharap niya, kaya ngayon pa lang siya bumabawi sa mga panahong inagaw sa kanya ng pagiging aktor.

Sa Cebu, nu’ng maayos pa ang kanilang relasyon ni Ellen Adarna ay madalas siyang makita ng mga tagaroon na palakad-lakad lang sa matataong lugar sa lunsod.

Nagba-bar hopping din siyang mag-isa, masayang-masaya ang kanyang itsura, dahil ngayon nga ay nalalanghanp niya na ang hangin ng kalayaan.

Ngayon ay madalas naman siya sa Palawan, may ipinatatayo siyang beach house sa El Nido, isang eksklusibong beach du’n na dinadayo ng mga bukod na pinagpala para sa knailang pagbabakasyon.

Sabi ng isang source na malapit kay JLC, “Marunong siyang humawak ng kinikita niya, properties ang tinutukan niya nu’n, marami siyang nabili.”

Enjoy na enjoy ngayon si John Lloyd sa pamumuhay na walang mga kamerang nakatutok sa kanya. Pakain-kain na lang siya ng fishball, ng kwek-kwek, paa ng manok at iba pang pagkaing nabibili sa kalye.

‘Yun ang mahabang panahong hindi niya nagawa, ‘yun ang kinasabikan niya nang ilang dekada, bumabawi siya ngayon.
(30)

Leave A Reply

Your email address will not be published.