Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hunk actor datung ang habol sa dyowa

0 965

Malaking tandang-pananong para sa marami ang bongga pa ring lifestyle ng isang male personality kahit wala naman siyang pinagkakakitaan. Madalang lang siyang magkaroon ng proyekto.

Ganu’ng hindi naman siya abala sa paggawa ng mga serye at pelikula ay kinakabog pa niya ang mga personalidad na halos wala nang pahinga sa pagtatrabaho pagdating sa kanyang mga luho.

Kuwento ng isang source, “Nakapagtataka naman kasi talaga kung paano siya nakapamumuhay na para siyang yayamanin. Alam naman ng lahat na ang pag-aartista lang niya ang inaasahan ng male personality, di ba?

“Pero kahit wala siyang work, e, talagang nasusunod niya pa rin ang mga layaw niya, bonggang lifestyle, paalis-alis ng bansa na akala mo Quiapo lang ang destinasyon niya!” unang hirit ng aming source.

Dati nang umikot ang kuwento tungkol sa pakikipagrelasyon ng male personality sa isang kilalang socialite. Nagkahiwalay rin sila agad, nauntog daw kasi sa katotohanan ang female celebrity na datung lang ang habol sa kanya ng male personality, kaya iniwasan na nito ang lalaki.

Patuloy ng aming source, “Buti na lang at maagang nauntog ang socialite, dahil kung hindi, para siyang malawak na pataniman ng palay na dinaluyong ng mga insekto!

“Buti na lang at nakinig ang girl sa payo ng mga kaibigan niyang nagmamahal at nagmamalasakit, kilalang-kilala na kasi nila ang kartada ng male personality.

“Di nga ba, na-link din ang name niya nu’n sa isang kilalang female celebrity, ganu’n din ang kuwento, napabilis ang tago nilang relasyon, kasi nga, puro datung lang ang nakikita sa kanya ng hunk actor na ito?

“Magaling siyang humanap ng mina ng ginto, parang meron siyang researcher sa paghahanap kung sino ang kakarelasyunin niya! Kahit ano ang age at itsura, basta madatung!” sabi uli ng aming impormante.

Pero isang source na dating malapit sa male personality ang nagkuwento na hanggang ngayon pala ay dekada na ang binibilang ng pagiging boy toy niya sa isang yayamaning Pinoy sa ibang bansa.

Kuwento ng source, “Arubayto (read: sideline) lang para sa kanya ang iba, pero ang main source ng kadatungan niya, e, ang kababayan nating professional churva abroad.

“Marami na siyang nakarelasyong girls, pero hanggang ngayon, e, hindi pa rin bumibitiw sa kanya ang gay, ‘yun ang dahilan ng bonggang-bongga niyang lifestyle. Magaleng! Simple lang siya, pero rock!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Coco, Julia ayaw makipag-selfie

Higit pa sa pag-amin tungkol sa totoo nilang relasyon ang ipinakita nina Coco Martin at Julia Montes. Wala nang kahit anong salita na kailangan tayong marinig, sapat na ang pagpapakita nila sa publiko na magkasama sila sa Boracay, ‘yun na ‘yun!

Pero hindi pa nagkakasya sa ganu’n lang ang iba, ang pag-amin tungkol sa kanilang pagkakaroon na ng anak ang susunod nilang gustong malaman, kailan daw naman kaya ‘yun ihahayag sa buong mundo nina Coco at Julia?

Hinay-hinay lang muna siguro ang mga nakaabang, ibinigay na nina Coco at Julia ang kanilang mga kamay, huwag naman nating kunin pa ang kanilang buong katawan.

Pasasaan ba at darating din ang panahon ng kanilang pagpapakatotoo, ang kapribaduhan lang ng kanilang buhay ang inaalala ngayon nina Coco at Julia, kaya bantulot pa silang umamin at karapatan nila ‘yun.

Gustung-gusto namin ang kuwento ng isang kaibigang nakasabay sa airport ng magkarelasyong ayaw pang literal na umamin.

“Mababait sila, hindi man sila pumapayag na makipag-selfie, marespeto naman silang kumakaway na tanda ng respeto. Okey na ‘yun, mahalaga ang pagrespeto, like na naming buong pamilya sina Coco at Julia ngayon,” kuwento ng aming kaibigan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.