Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hunk actor ‘ di naipaglaban ng dyowa

0 627

Isang rebelasyon ang nalaman ng aming source mula sa mga katropa ng isang pamosong hunk actor. Akala kasi ng mas nakararami, dahil puro maganda at sexy ang mga nakakarelasyon niya, ay ‘yun talaga ang kanyang hinahanap sa kababaihan.

Maling-mali, sabi ng mga kaibigan ng kontrobersiyal na male personality, hindi sa ganda at katawan tumitingin ang lalaki kundi sa ugali ng babae.

Tanong ng iba, bakit mga seksing artista ang nagiging karelasyon ng hunk actor, nagkakataon lang ba ‘yun?
Sagot ng source, “Naging sexy na lang naman ang ex niya nu’ng maghiwalay na sila. Nagpalagay na lang ng boobs at puwet.”

Dagdag pa ng aming source, “Wala siyang hiling sa mga girls na super-laki ang boobs at behind. Pansinin n’yo lang, malaki ba ang boobs at behind ni ____(pangalan ng aktres na nakarelasyon ng hunk actor).

“Hindi naman, di ba? Katamtaman lang ang laki, kasi nga, hindi talaga siya attracted sa mga babaeng may malalaking tapalodo at behind,” madiing sabi nito.

Pero ang pinakahuling nakarelasyon at nakahiwalay ng hunk actor ay materyales fuertes. Hindi man masyadong lutang ang ganda ng female personality kumpara sa mga ex niya ay sexy naman.

Patuloy ng aming source, “Nagkataon lang ‘yun, pero hindi ang physical assets ng girl ang nagustuhan niya. Naging super-close lang sila nu’ng magkasama sila sa isang project, nag-usap ang puso nila at ‘yun na ‘yun!

“Pero habang tumatagal sila, e, nagkakaroon na ng mga problema, meron nang mga outside forces na nakikialam sa relasyon nila. Disappointed ang guy.

“Akala niya kasi, e, makakaya siyang idepensa ng girlfriend niya sa panghihimasok ng mga tao sa side ng girl, pero hindi naman pala. ‘Yun ang totoong nangyari.

“Parang nasa korte palagi ang hunk personality na kailangang magpaliwanag sa side ng girl, samantalang wala naman siyang kailangang ipaliwanag. ‘Yun ang totoong reason ng hiwalayan nila,” napapailing na pagtatapos ng aming source.

SM food to go Banner Ad

April Boy ayaw ipasunog ng mga anak

Hindi pumayag ang panganay na anak nina April “Boy” Regino at Madel na hindi makauwi mula sa Amerika dahil sa pagpanaw ng kanyang ama.

Dumating si Charmaine nu’ng Miyerkules nang umaga, nagpa-swab test agad, sinusulat namin ang kolum na ito ay nasa isang hotel pa rin siya at hinihintay pa ang resulta bago makapunta sa burol ng Jukebox Idol.

Sa Linggo na ang libing ni April Boy sa Valley Of Sympathy Memorial Park sa Antipolo City. Pag-uusapan pa nina Madel, Charmaine at JC kung anong oras ang alis ng mga labi ng Jukebox Idol sa kanilang bar sa Calumpang, Marikina.

Sabi ni Madel, “Hindi na po siya idadaan sa simbahan, kukuha na lang po kami ng pastor at du’n na rin sa Idol Star gagawin ang memorial service. Kung ako nga po ang masusunod, gusto ko po sana ng cremation. Para palaging nasa tabi ko lang ang mga abo ni April.

“Pero ayaw ng mga anak namin, hindi raw nila gustong ipasunog ang bangkay ng daddy nila. Mas gusto nilang ilibing para may nadadalaw kami sa mahahalagang okasyon sa buhay ng daddy nila,” malungkot na kuwento ni Madel.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ni Madel ang pagkawala ng kanyang asawa. Isinasama na nga siya sa Amerika ng kanilang mga anak para kahit paano’y makabawas sa kanyang pagdadalamhati, pero ayaw niyang pumayag, dito lang daw muna siya.

“Ayoko po munang lumayo. Gusto kong malapit lang ako kay April. Anytime na gusto kong dumalaw sa puntod niya, malapit lang siya sa akin.

“Mas malulungkot lang po ako sa Amerika, nandu’n man ang mga anak namin, e, iba pa rin ang nandito lang ako na malapit kay April,” paliwanag ni Madel Regino.

(Negatibo ang proseso ng swab test ni Charmaine, kahapon bago mananghali ay nagkita na silang mag-ama, naging emosyonal ang lahat dahil sa mahigpit na pagyakap ni Charmaine sa kabaong ni April Boy na hindi matanggal-tanggal ng mga naroon.)

Leave A Reply

Your email address will not be published.