Abante Tonite Interactive

Hunk actor at direktor kumpirmadong may relasyon

By
3,377

DALAWANG ibon sa isang putok. Ganu’n ang naging resulta ng pag-aanalisa ng isang grupo ng mga becki tungkol sa nakaraang pagkakaibigan ng isang direktor at ng isang pamosong hunk actor.

​Maporma si direk, may kalamyaan man itong kumilos ay walang diretsong makapagsasabing lalaki rin ang kanyang hanap, pamilyado kasi si direk.

​Ang hunk actor naman ay lumalakad na parang walang ulo, malayo pa lang siya ay nagkakasala na ang nakakakita sa kanya, matagal nang hinuhusgahan ng buong bayan na becki siya.

Abante Hiring – IT dep

​Naging magkaibigan si direk at ang hunk actor. Pabulong lang kung mag-usap ang mga nakakakita sa kanila kapag sabay silang bumababa sa isang kotse lang.

“Madalas dumalaw sa taping ni direk si ____(pangalan ng guwapong hunk actor), nagdadala pa nga siya ng food. Ang palusot niya, e, gusto rin daw sana niyang magdirek. So, actual ang gusto niyang paraan, wala nang seminar-seminar, ang pagdidirek mismo ng kaibigan niya ang pinaka-training niya.

“Pero siyempre, pinagtataasan ng kilay ng mga nandu’n ang dahilan niya. Dumadalaw siya dahil gusto niyang makasama si direk. Nag-usap na siguro sila na du’n na lang sila magkikita sa taping.

“Hanggang sa nu’ng magtagal, e, may sumigaw, ‘Confirmed!’ May relasyon pala si mapormang direktor at ang guwapong hunk actor. Buking ang kanilang mga drama! Nagdirek ba si hunk actor? Hindi naman, di ba?” kuwento ng aming source.

​Dalawang ibon nga naman sa isang putok lang. Pareho lang pala ang hanap nila. Tipid sa bala.

Vice Ganda ipinahiya ng pari

SA kabila ng kanyang katanyagan ay may isang mahalagang bagay na hindi nakakalimutang gawin si Vice Ganda. Ang pagsisimba. Buhay na buhay sa utak ng magaling na komedyante-TV host na sa iba-ibang paraan man dumadaan ang mga biyayang dumarating sa kanya ay sa Diyos pa rin galing ang lahat-lahat ng kayamanang meron siya ngayon.

​Marunong siyang magpasalamat. Bukod sa pasasalamat ay ibinabahagi rin niya sa mga nangangailangan ang kung anumang meron siya ngayon. Pero nakakalungkot ang nangyari nu’ng minsang magsimba siya.

​Sa homily ng pari ay ramdam ni Vice na siya ang pinatatamaan sa sitwasyon. Gusto na raw niyang lumubog sa kinauupuan niya, lalo na’t nakikita niyang palihim na tumitingin sa kanya ang ibang mga nagsisimba, pahiyang-pahiya raw siya nu’ng mga sandaling ‘yun.

​“Alam mo ‘yung feeling na ikaw mismo ang pinatatamaan sa mga sinasabi ng pari? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, lalabas na ba ako o magtatago ako sa ilalim ng bench?

“E, sino pa ba ang tinutukoy ng pari na huwag panoorin ang pelikula dahil puro kabaklaan lang naman ang makikita du’n? ‘Yung mga nasa likuran ko, tinapik ako sa balikat. Parang naaawa sila sa akin,” kuwento ni Vice.

​Nakakalungkot na nakakabigla nga naman ang ganu’n, nagpupunta tayo sa simbahan para magbigay-respeto at magpasalamat sa lakas at mga biyayang patuloy na ibinibigay sa atin ng Panginoon.

​Hindi tayo nagsasadya sa simbahan para makatikim ng pagkapahiya at pagkastigo mula sa mga alagad ng Diyos. May ibang lugar para sa mga ganu’ng komento, hindi dapat ginagamit ang tahanan ng Diyos para sa mga personal na opinyon at saloobin, napakalawak ng labas ng simbahan para pag-usapan ang ganu’ng pagpuna.

​Ewan lang kung ibang simbahan na ang pinupuntahan ngayon ni Vice Ganda. Puwedeng lumipat na siya at maaari rin namang tinanggap na lang niya ang masasakit na komento ng pari dahil Diyos naman ang sinadya niya du’n at hindi ang alagad lang.