Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hunk actor dyowa ng yayamaning bading

0 110

Kahit sa mga birtuwal na kuwentuhan dahil sa pandemya ay bumibida pa rin ang isang hunk actor na maparaan sa buhay. Ayon sa mga nagpipistang becki, anuman daw ang maganap, magputukan man ang lahat ng bulkan sa Pilipinas ay hindi maghihirap ang male personality na ito.

Palibhasa’y guwapo, may magandang katawan at makarinyo, nakakaya niyang kunin ang atensiyon ng mga kababaihan maging ang mundo ng mga becki.

Kuwento ng aming source, “Kahit nu’ng hindi pa siya kilala, e, may milagro na siyang ginagawa. Marami na siyang karanasan sa kung anu-anong milagro para sa ikaa-advance ng kabuhayan showcase niya.

“Maliliit pa lang ang roles niya nu’n, sumusuporta lang siya sa isang male personality na galing sa isang talent search, e, mabenta na talaga siya sa mga becki,” unang sultada ng aming impormante.

Galing sa isang pamilyang hindi naman nagugutom ang hunk actor, pero kapos na kapos ang kanyang pamilya, kaya nu’ng makasilip siya ng pagkakataong mag-artista ay sinunggaban na niya agad ang oportunidad.

Sabi pa ng aming source, “Naisip siguro niya, paano siya agad yayaman kung ang mga pasulput-sulpot lang niyang projects ang aasahan niya?

“So, kapit sa patalim ang ginawa niya, meron naman siyang kaibigang Boogie Wonderland, kaya ayun, unti-unti nang natutupad ang mga pinapangarap niyang luho sa buhay.

“Hanggang sa umangat na nang umangat ang mga pangarap niya, hindi na pangsariling kapakanan lang ang pinuntirya niya, kundi para sa pamilya niyang umaasa sa probinsiya! Palaki na rin nang palaki ang name niya nu’n, nagkaroon na siya ng ka-loveteam, kaya mas naging mabenta siya sa mga becki!

“Hanggang sa maging karelasyon niya na nga ang isang yayamaning becki habang nagpapa-cute naman sila ng ka-loveteam niya! Pang-oncam niya ang girl, pagkatapos, du’n naman siya naglalagi sa bahay ng gay provider niya!

“Ngayon, maluwag na maluwag na ang kabuhayan showcase ng hunk actor, may sarili na siyang bahay, may negosyo pa siya na ang puhunan, e, galing siyempre sa gay benefactor niya!

“Magaleng! Magaleng na magaleng ang hunk actor na ito na ngayon, feeling niya, e, pinag-aagawan siya ng dalawang female personalities na parehong may name at magaganda pa!” humahalakhak na pagtatapos ng aming source.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Piolo, KC ‘di magkaibigan-Sharon

Apo ang ayon kay Sharon Cuneta ay kukumpleto na sa kanyang kaligayahan. Gustung-gusto na niyang magkaapo mula sa kanyang mga anak na sina KC, Kakie, Miel at Miguel.

Siguro nga, dahil nasa kanya na ang lahat-lahat ngayon ay tubo na lang sa kanyang puhunan ang gustong magkaroon ang Megastar, lalo na’t wala nang bata na patakbu-takbo sa kanilang mansiyon.

Hindi siya nakikialam sa lovelife ni KC, basta mahal at nirerespeto ang kanyang panganay ay hindi siya kumokontra, naging kaibigan na nga nila ni Senator Kiko ang mga dating karelasyon ni KC.

“Naging magkaibigan kami ni Piolo, we just had to talk dahil sa mga naglabasang controversies ng break-up nila ng anak ko. Ang nakakatawa nga, naging magkaibigan kami, pero hindi sila ni KC!” pag-alala ni Mega.

Maging sa sikat na singer na si APL de Ap na tinututulan ng mas nakararami para maging karelasyon ng kanyang anak ay wala ring problema kay Sharon.

“Kung sino ang magpapasaya sa anak ko, wala akong problema. ‘Yung sa kanila ni APL, nilinaw sa akin ni KC na they’re just friends.

“Sa akin naman, basta mahal siya at nirerespeto, okey sa akin si APL! Ayaw ko pa ba naman ‘yun? Magkakaapo ako na kamukha ni Beyonce!” tawa nang tawa niyang reaksiyon.

Mulat ang Megastar na iba na ang panahon ngayon kesa nu’ng kanyang kabataan. Maagang humiwalay sa kanya si KC, nakadagdag pa ang pag-aaral nito sa ibang bansa, siya nga naman kung hindi pa sila nagpakasal ni Gabby Concepcion ay hindi pa makahihiwalay sa poder ng kanyang mga magulang.

“But I miss my daughter. Nami-miss ko ang mga kuwentuhan namin. I hope she knows how much I miss and love her,” emosyon ni Sharon Cuneta.

Leave A Reply

Your email address will not be published.