Abante Tonite Interactive

Hunk actor exhibitionist

572

Kahit pala nu’ng hindi pa nag-aartista ang isang hunk actor ay exhibitionist na ang bansag sa kanya ng mga kaibigan at kakontemporaryo niya.

Napakarami niya namang maisusuot, pero kung bakit gustung-gusto niyang palaging nakahubad, walang ibang dahilan ‘yun kundi ang pagmamalaki niya sa buong mundo na machong-macho siya.

Kuwento ng isang source, “Talagang show-off na siya kahit nu’ng hindi pa siya nag-aartista. Matindi ang pagmamalaki niya sa body niya, sa abs niya, sa kaguwapuhan niya!

“Siya ang number one fan ng katawan at itsura niya. Gusto niyang ipagbanduhan kung gaano kalalaki ang mga muscles niya, talagang gusto niyang palagi siyang nakahubad para maipagmalaki niya ‘yun!”

natatawang kuwento ng aming impormante.

Ngayong nag-aartista na ang male personality ay bitbit niya pa rin ang pagi­ging exhibitionist. Type na type niyang kunan ang kanyang sarili nang nakahubad siya kung saan lantad na lantad ang kanyang mga abs at muscles. Selfie siya nang selfie.

Patuloy ng aming source, “‘Yun ang hobby niya, ang mag-selfie. Iisa lang naman ang subject niya, ang sarili niya, ang katawan niya, wala nang iba!
“Pero bakit ganu’n? Kahit pa ipinaglalantaran na niya ang kamachuhan niya, e, iba pa rin ang mga kuwentong lumalabas?

“Bakit pinagdududahan pa rin ang gender niya, e, pagkalalaki nga ng mga muscles niya? Bakit pinagkukuwentuhan pa rin siya sa mga umpukan dahil may mga male models na nagsasabing nang-iimbita ang macho actor sa place niya?

“Ano ‘yun? Nang-iimbita siya para lang makipag­laro ng chess sa mga male models? Bakit sa kabila ng kamachuhan niya, e, may mga nagdududa pa ring berde ang dugo niya?

“Wala naman palang saysay ang nagpipintugan niyang muscles at ilang suson na abs?” tanong-opinyon ng aming source.

Kris nagpakaba sa sakit ni Noynoy

Sa ika-36 na taon ng pag-alala sa pagpaslang sa kanyang ama ay napakalinaw ng naging pahayag ni Kris Aquino sa harap ng puntod ng kanyang mga magulang.

Ang sabi ni Kris dahil maraming naghahanap kay dating Pangulong Noynoy, “He is sick. He is not okay. I’m not at liberty to say what’s wrong with him.”

Idinagdag din ni Kris na nag-iisa lang na naninirahan ang kanyang kuya sa Times Street. Humingi pa siya ng panalangin. May kakambal na patutsada rin ang kanyang pahayag sa mga taong dating nakapalibot sa kanyang kuya nu’ng nanunungkulan pang pa­ngulo pero nang bumaba na sa posisyon ay lumundag na sa ibang kuwadra ang mga kaalyado nito.

Lumikha nang matin­ding balita ang mga sinabi ni Kris, nag-aalala ang ating mga kababayan, ano kaya ang sakit na meron si P-Noy na hindi raw maaaring sabihin ni Kris kung ano?

Naging paksa sa mga umpukan nu’ng Miyerkules nang gabi ang mga detal­yeng ibinalita ni Kris tungkol sa kanyang kuya. Mara­ming nagpalagay na siguro’y ma­tinding sakit sa lungs ang kanyang sakit dahil alam naman ng buong bayan kung gaano kalakas manigarilyo ang dating pangulo.

Pero pagkatapos lang nang tatlong oras ay naglabas na ng kanyang opisyal na pahayag ang dating pa­ngulo. Ayon kay P-Noy ay hindi raw naman nakaaalarma ang kanyang sakit.

Siguro raw ay dahil lang sa pagbabagu-bago ng panahon ang hindi kagandahang nararamdaman nito na naging dahilan kaya hindi ito nakarating sa misa sa pag-alala sa kanilang pinaslang na ama.

Iisang reaksiyon ng ating mga kababayan, umariba na naman ang minantikaang dila ni Kris Aquino, wala naman palang sakit na hindi niya puwedeng ilabas kung ano ang kanyang kuya.

Pinakaba niya tuloy ang mga taga-Dilawan, napakaraming tumawag sa da­ting pangulo, nangungumusta dahil sa mga rebelasyong sinabi ni Kris tungkol sa kanyang kalagayan ngayon.

Sabi na lang ng kaibigan naming propesor, “Here she goes again! Times ten na naman ang mga sinabi niya, dinagdagan niya na naman ang kuwento nang milya-milya!

“Napaka-OA talaga ni Kris! Kapag nakakita siya ng bulate, e, ahas na agad ‘yun para sa kanya! Ang butiki, e, nagiging buwaya na kapag siya ang nagbalita, OA talaga ang babaeng ‘yan!” napakadiing komento ni prop.

(Cristy Fermin)