Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hunk actor inahas ang magaling na male personality

0 172

Unti-unti nang natatanggalan ng talukbong ang mga personalidad na naging biktima dahil sa pagkakaroon ng relasyon ng isang hunk actor at ng isang female personality.

Natagalan lang ang mga rebelasyon, pero hindi naitago, maraming nakikisimpatya sa isang male personality na magaling umarte na nasagasaan din ng pagkakaroon ng romansa ng kanyang girlfriend at ng hunk actor.

Kuwento ng aming source, “Kung ang sigaw nu’n ng hunk actor, e, tapos na ang relasyon nila ng girlfriend niya, nakakaawa naman ang dating boyfriend ng female personality na basta na lang idinispatsa!

“Wala naman silang problema ng girlfriend niya, maayos naman ang relasyon nila, pero bigla na lang nanlamig sa kanya ang girl!” unang kuwento ng aming source.

Kung matatandaan ay ilang buwan ding nagkasama ang hunk actor at ang female personality sa ibang bansa para sa kanilang proyekto. Du’n sila nagkalapit ng kalooban, du’n naganap ang milagro, bitbit na nila ‘yun nu’ng bumalik sila dito.

Pag-alala ng aming impormante, “Di ba, ang tamang scenario nu’n, e, masasabik ang girl sa karelasyon niya? Matagal silang puro phone lang, kaya siyempre, miss na nila nang todo ang isa’t isa?

“Nakapagtataka, parang hindi naman miss ng girl ang boyfriend niya, ang guy lang ang sabik na sabik na magkita sila! Nu’n pa lang, e, naisip na ng guy na may hindi magandang nangyayari.

“Nakakaawa naman ang guy, basta na lang siya dinispatsa! Nagtatanong siya kung ano ang naging kasalanan niya, wala namang masabi ang girl! ‘Yun pala, e, magkarelasyon na ang girl at ang hunk actor, sila na ang nagkakasabikang magkita!

“Hanggang sa ‘yun na nga! Nabuking na sila ng hunk actor na may karelasyon pa that time, peron ano ang sinabi ng guy? Tapos na kuno sa kanila ng female personality ang lahat, malayang-malaya na siya!” madiing kuwento ng aming source.
Mabilis namang nakapag-move-on ang male personality na magaling umarte, ayaw na niyang ipagpilitan pa ang kanyang sarili, napakaraming naawa sa kanya.

“Wala ring mangyayari sa relasyon ng hunk actor at ng female personality, masaya sila ngayon, pero one day, e, lalabas din ang mga natapakan nila sa pagmamahan nila, reresbakan sila ng panahon!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Napakatulis talaga ng hunk actor na ‘yun, lahat ng babaeng nakakasama niya, hindi nakaliligtas sa kanya! Ang tuliiiissss!!!!” pagtatapos ng aming source.

Jinkee paboritong ‘umbagin’ ng mga basher

Nakakaawa na nakapag-iisip ang mga inaabot na upak ngayon ni Jinkee Pacquaio sa social media. Matalo at manalo ang Pambansang Kamao ay hindi mabait sa kanya ang panahon.

Palaging siya ang pinupuntirya ng mga bashers, sa kanya nakasentro ang inis ng mga kababayan natin, na ang pinag-uugatan ay ang pagbubuyangyang niya ng suot niyang puro branded bilang OOTD niya.

Pagkatapos ng laban nina Senador Manny Pacquiao at Yordenis Ugas kung saan natalo ang ipinagmamalaki nating manok ay kay Jinkee pa rin tumambay ang mga trolls at bashers.

Sari-saring memes agad ang naglabasan bilang pagpaparunggit sa misis ni Pacman. Sa halip na makisimpatya kay Jinkee ang mga miron dahil Lotlot nga sa laban ang kanyang asawa ay mas tumindi ang mga bira laban sa kanya. Paborito talaga siyang gawing punching bag ng mga bashers.

Hindi kasi nakipagkrompromiso sa kasalukuyang sitwasyon ng mundo si Gng. Pacquiao. Sa halip na maging simple ay ipinagbubuyangyangan pa niya ang mga branded stuff niya na ang halaga ay kaya nang magpakain ng mga barangay na nagugutom.

Damit, bags, sapatos, relos, tsenelas at kung anu-anong mamahaling kagamitan ay ipinagyayabang pa ni Jinkee na meron siya. Kinapos siya sa pag-iisip na pandemya ngayon, laganap ang kahirapan, sa ayuda lang ng pamahalaan umaasa ng ikabubuhay ang mga nagdarahop nating kababayang nawalan ng trabaho at walang makain.

Nandu’n na tayo. Perang pinaghirapan ng kanyang asawa sa pakikipagburugan ng mukha at katawan ang bilyones na meron sila ngayon. Pero may tinatawag na timing. Lahat ng bagay ay may hinahanap na tamang oras para makiisa sa panahon.
‘Yun ang wala kay Mrs. Pacquiao. Tamang timing. Insensitive siya. Walang pakiramdam. ‘Yun ang ugat ng mga salitang ibinabato pabalik sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.