Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hunk actor iniiwan ng gf dahil sa pamamakla

0 71

Hanggang hindi nagpapakatotoo ang isang male personality tungkol sa tunay niyang pagkatao ay wala siyang matatagpuang totoong kaligayahan.

Hanggang pakikipagrelasyon lang ang magagawa niya, pero walang kasiguruhan, dahil kapag nalaman ng babae ang kanyang mga ginagawa ay iiwan lang siya nito.

Payo ng aming source sa male personality, “Sa panliligaw pa lang niya, e, kailangan na niyang aminin ang totoo. Cards on the table na siya dapat. Ilatag na niya ang mga baraha ng buhay niya.

“Kung sa iba pa ‘yon malalaman ng girl, e, siguradong walang mangyayari, iiwan lang siya, dahil sa hindi niya pagpapakatotoo,” sabi ng aming impormante.

Palaging ganu’n ang mangyayari. Nangyari na ang kaparehong senaryo dati, pero heto at nasundan na naman, nakarating sa girlfriend ng hunk actor ang mga milagro niya sa buhay.

Pagpapakatotoo ng aming source, “Hindi maitatago ng guy ang mga pinaggagagawa niya. Napakaliit ng showbiz, maraming nakakaalam tungkol sa mga pinaggagagawa niya!

“Kasi naman, inuna niya talaga ang mga kapritso niya sa buhay, ang pagkakaroon ng mga kagamitang hindi niya kayang bilhin, kaya iniasa niya na lang sa mga bading!

“Hindi man lang muna niya pinahinog ang career niya, umarangkada na agad ang utak niya sa pagkakaroon ng datung at mga granatsa sa buhay, kaya talagang palagi siyang iiwanan ng girlfriend niya kapag natuklasan ang sideline niya!” inis na komento ng aming source.

Ang nakapagtataka ay madiin pang nagdedenay ang male personality tungkol sa mga ginagawa niya. Sobra siyang makapagdenay. Sinisiraan lang daw siya ng mga nagpapakalat ng kuwento.

Patuloy ng aming impormante, “Natural, kapag niloko niya ang becki, e, siguradong kakalat ‘yon! Alangan namang maitago niya ang totoo, lalo na’t maraming nakakaalam ng pamamakla niya!

“Mamamakla siya, pero gusto niyang itago ‘yon, ano siya, sinusuwerte? Mahiya siya sa sarili niya! ihinto niya ang mga sideline niya, aminin niya ang totoo kung gusto niyang magkaroon ng relasyong maayos!

“Masyado kasi siyang mahilig sa kung anu-anong granatsa na hindi niya naman kaya, masyado siyang ambisyoso, kaya ayun, sumasablay siya!

“Magsikap siya dapat, magkasya siya sa kung ano lang ang kaya niya, hindi ‘yong mamamakla siya at iaasa na lang sa mga becki ang gusto niya!” nabubuwisit na pagtatapos ng aming source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.