Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hunk actor inintriga sa bagong kotse

0 84

Kani-kanyang paglalabas ng emosyon ang maraming personalidad ngayon kung gaano kahirap ang biglaang pagbabago sa kanilang kabuhayan. Pasulpot-sulpot lang ang kanilang trabaho, binawasan pa ang kanilang talent fee, napakalaking problema nu’n para sa kanila.

Sa gitna ng pandemya ay napansin ng mga miron, bakit parang hayahay lang ang kabuhayan showcase ng isang kilalang male personality, bakit parang hindi siya problemado ngayong taghirap na ang buong bayan?

Kuwento ng aming source, “Ganu’n naman kasi talaga, kung sino ang naiiba, ‘yun ang napapansin. Maraming artistang nagtatawid ng kahirapan sa pagtatrabaho ngayong pandemya, bago sila makapagtrabaho, ang dami-dami munang pagdadaanan ng lahat bago sila makapag-lock-in taping.

“’Yung sigurado na ang lahat, pero biglang may magpa-positive, hindi na naman sila matutuloy, papalitan sila ng iba. Napakahirap ng pinagdadaanan nila ngayon, walang kasiguruhan ang buhay at career nila,” unang komento ng aming impormante.

At napansin nga ng mga miron na parang walang pinagdadaanang problema ngayon ang isang male personality. Hindi siya nagpo-post ng kalungkutan sa kanyang social media account, para siyang nakapag-ipon nang milyones bago nagkaroon ng pandemya, ganu’n ang basa sa kanya ng mga nakabantay sa kanyang buhay.

Patuloy ng aming source, “Baka naman kasi ayaw niya ng negativity ngayong pandemya, ayaw na niyang dagdagan pa ng pagkaburyong niya, kaya ganu’n siya ka-cool.

“May mga artista kasing ganu’n na kahit hirap na hirap na, e, napakaganda pa rin ang pananaw nila sa buhay. Baka ganu’n lang naman ang male personality!

“Kaso, biglang lumabas ang kuwentong kabibili lang niya ng brand new car. Mamahalin ang binili niyang sasakyan. Anyare? Sa panahong umaangal ang lahat sa kahirapan ng buhay, e, saka pa siya bumili ng kotse?

“Magaling kasing humawak ng datung ang hunk actor, hindi siya gastador, bago siya maglabas ng datung, e, sinisigurado muna niyang mapapakinabangan ang gagastusan niya.

“Pandemya ngayon, hindi siya umaangal, meron siyang sapat na ipon! Kung saan niya kinuha ang kadatungang ‘yun kahit wala naman siyang masyadong trabaho, e, hindi na natin problema!

“Tanungin na lang natin ang mga bituin sa langit kung paano at bakit siya madatung! Kayo na ang maging makinis, guwapo, kayo na ang magaling pumaraan, magkakadatung din siyempre kayo!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Tandaan natin, hindi siya gurami lang, isa siyang malaking-malaking sea creature!” pagbibigay pa ng clue sa kanyang pagtatapos ng aming impormante.

Paolo reresbak sa pasabog ni LJ

Palagi naming pinaniniwalaan ang kasabihan na ang lalaking malungkot na sa kanyang personal na buhay ay humahanap ng ibang pagkakalibangan. Hindi kailangang bagong babae ang kanyang hinahanap, kahit ano lang, para pag-uwi niya sa bahay ay matutulog na lang siya.

Ang ama ng tahanan na maligaya sa buhay ay tinatabla ang mundo. Kahit anong pagyayaya ng kanyang mga kaibigan ay hindi siya lumalabas ng bahay dahil ang paraiso para sa kanya ay ang kaligayahang makasama ang kanyang pamilya.

Kay LJ Reyes na rin nanggaling ang pahayag na matagal nang malayo si Paolo Contis, magkakasama pa sila sa isang bubong, pero ramdam niya na parang hindi na nila kasama si Paolo.

‘Yun ang puntong kailangang ihanap ng sagot ngayon ni LJ. Bakit lumayo ang loob sa kanya ni Paolo? Bakit ang isang makapamilyang tulad ng aktor ay biglang nanglamig sa kanilang relasyon?

Walang pangyayaring biglaan. Dumadaan ang pagtabang ng relasyon sa maraming baitang. Unti-unti. Saka biglang puputok. At mauuwi na nga sa hiwalayan.

Ang ganu’ng senaryo ay hindi nangangailangan ng argumento at pagtatalo. Tahimik lang ang paligid pero lumipad na sa bintana ang pagmamahalang pareho nilang iningatan at ipinaglaban.

Siguradong may saloobin si Paolo Contis sa mga kuwento ni LJ Reyes, ayaw pa lang nitong magsalita ngayon, hihintayin muna ng magaling na aktor na maging payapa ang dagat.

Alam na alam ni Paolo na hindi magandang magsalita tayo nang galit, masaya, malungkot at puyat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.