Abante Tonite Interactive

Hunk actor lihim ang engagement sa celeb girlfriend

681

Engaged na ang isang hunky actor­ (HA) sa kanyang celebrity girlfriend (CG) pero sinisikreto pa nila ito.

Ayaw pa nilang i-announce ang engagement, pero si CG ay may post sa kanyang private social media account na may suot na engagement ring, na tila pinapa-obvious na engaged na siya.

Ayun, eh ‘di nalaman ng friends niya sa private account niyang ‘yon na binigyan na pala siya ni HA ng engagement ring.

Meron ding isang friend si CG na nag-post sa social media na kino-congratulate si CG sa pagiging engaged nito kay HA. Nagpresinta pa ‘yung friend na mag-host sa wedding ng dalawa.

After a while ay edited na ang post na ‘yon ng nasabing friend at mukhang napagsabihan ito ni CG na baguhin ang caption dahil lihim lang ang naganap na engagement.

Ang dinig namin ay aktibo raw sina HA at CG sa kanilang church, na ang turo raw ay kailangang ikasal muna ang isang couple bago maging intimate sa isa’t isa.

Medyo nabibilisan kami sa mga pangyayari dahil hindi pa naman katagalan ang relasyon ni HA kay CG. Isa pa ay nasa mid 20’s pa lang sila pareho, so walang dahilan para magmadali silang magpakasal.

Bukod doon ay ngayon pa lang nagti-take off ang showbiz career ni HA, tapos heto’t balak na pala niyang mag-asawa.

Hindi naman buntis si girl para i-rush nila ang mga bagay-bagay. Tila nagayuma si HA ni CG, na tinalian na talaga ito at ayaw nang pakawalan.

Gudlak na lang sa career ni HA at sana ay huwag itong maapektuhan kahit malaman ng fans na nag-propose na siya at nakatakdang pakasalan ang kanyang girlfriend.

PAK!! (Allan Diones)