Abante Tonite Interactive

Hunk Actor, Mabaho

By
0 1,849

Gumuho ang pangarap ng aming businesswoman friend na mahalikan at mayakap ang idolong hunk actor. Nagkita sila ng kanyang politician friend.

Naikuwento ng huli sa una, na dumalaw sa bahay nito ang guwapo at pinapantasyang aktor. Umaga nang dumalaw ito sa bahay ng politician.

Malamig ang lugar at du’n din nakatira ang aktor. Yumakap ang hunk actor sa politiko at ‘yun na, amoy na amoy nito ang kabahuan ng aktor. Halos mapangiwi ito sa mabahong amoy ng aktor. Hindi na lang ito nagpahalata at inasikaso pa rin ang aktor.

So naikuwento ‘yun ng politician sa aming friend at na-excite pa nga na makita rin at mayakap ang idolo. Pero nang malaman niya na mabaho ang amoy ng idolo, sobrang dismayado ito at sukang-suka na siya sa aktor.