Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hunk actor mabilis mabingwit ang partner

0 357

Maraming nagpapatunay na pagdating sa kalambingan ay mahirap pantayan ang isang kilalang hunk actor. ‘Yun ang itinuturong dahilan ng marami kung bakit napakabilis niyang magpaibig ng mga nakakasama niya sa trabaho.

Sumasang-ayon ang mga becki sa kuwento, may kakaiba ngang karisma ang male personality, ‘yun din ang dahilan kung bakit mabenta siya sa tribu ng kabaklaan.

Sabi ng aming source, “Masyado siyang maasikaso sa leading lady niya. Kung tutuusin, e, parang siya ang maaalala mo na tulad ng isang super-sikat na male personality na namatay na.

“Hindi ‘yung action star ang puwedeng sabihing tulad nu’ng nawala nang aktor kundi ang hunk personality na ito na napakalambing sa leading lady niya,” unang kuwento ng aming impormante.

May ihinahambing na male personality sa namayapang aktor na sikat na sikat, ito raw ang nagmana sa pagiging maasikaso ng kanyang ginagaya, pero kumokontra ang marami.

Komento naman ng isa pang source, “Hindi ‘yung action star ang nakakuha ng ugali nu’ng namatay na male personality. Pagkatapos ng take niya, e, bumabalik na agad ‘yun sa van niya.

“Nagpapahinga na siya, wala na siyang pakialam sa mga kasamahan niyang artista. Nakatrabaho ko na silang pareho ng hunk actor. Mas tutok siya sa mga nagiging leading lady niya.

“’Yun ang reason kung bakit nahuhulog agad sa kanya ang girl. Malambing kasi siya, maasikaso, para bang napakaimportante mo sa kanya. Kaya ayun, lahat ng nakakasama niya sa trabaho, e, nagkakaroon ng gusto sa kanya.

“Grabe siyang mag-alaga ng partner niya, tutok na tutok siya, kaya sino namang babae ang hindi magkakagusto sa kanya?

“Magaling ang lalaking ‘yun, mabilis siyang makabingwit ng girl dahil sa sobrang lambing niya. Kita n’yo naman, meron na siyang girlfriend, e, nagetlak niya pa rin ang isang magandang young actress!

“Na-master na ng hunk actor ang paraan ng pagkuha sa loob ng babae hanggang sa maging sila na. Under na under kumbaga sa acting ang atake niya!” pagtatapos ng aming impormante.

-o0o-

Ion kawawa kay Vice

Nakakadalawang taon na sina Vice Ganda at Ion Perez sa kontrobersiyal nilang relasyon. Mula nu’ng inamin nilang sila na nga ay hindi na huminto ang mga haka-haka tungkol sa kanilang pagmamahalan.

Ang nakakaawa sa relasyon ay si Ion Perez na sabi nga ng iba, makita mo pa lang ang kanyang mukha ay pera na ni Vice Ganda ang naka-drawing, ‘yun lang daw ang dahilan kung bakit pumayag si Ion na ipagsigawan sa buong mundo ang pagmamahalan nila ng bilyonaryo at sikat na komedyante.

Pero paano kung si Vice na pala talaga ang ibinigay sa kanya ng kapalaran para mahalin? Sabi nga ng binata ay nabuhay pala siya sa mundo para mahalin si Vice Ganda.

Nabulabog ang mga nagbibintang sa kanya na pera lang ni Vice ang habol niya, sumigaw agad ang kanyang mga bashers, “Aling Pacing, matagal nang bulok ang saging!”

Pero ginagamit ni Vice ang kanyang puso at utak nang sabay sa pakikipagrelasyon. Kung pakikinggan natin at paniniwalaan ang kuwento ng kanyang mga kaibigan ay hindi magagamit nang paganu’n lang ni Ion ang komedyante.

“Alam ni Vice ang ginagawa niya. Nu’ng wala pa siyang pera at ngayong bilyonarya na siya, e, hindi pa rin magbabago ang pagkakilala namin sa kanya.

“Marunong siyang kumilatis, alam ni Vice kung hanggang saan lang siya bibigay, matalino siya! Kapag naramdaman niyang ginagamit lang siya, wala nang kahit sinong kailangang magsalita sa kanya, kakalas na ang becki!” madiing komento ng isang dating kasama ng komedyante nu’ng barya-barya pa lang ang laman ng kanyang bulsa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.