Abante Tonite Interactive

Hunk actor mabilis magpalit ng dyowang bading

1,052

MARUNONG sa buhay ang isang guwapong hunk actor. Kung dati’y wala siyang pakialam sa kanyang kinikita ay ibang-iba na siya ngayon.

Prayoridad na ng male personality ang kanyang kinabukasan, alam niya na hindi habampanahon ay magiging maganda ang takbo ng karera niya, kaya ngayon pa lang ay naghahanda na siya.

Kuwento ng aming source, “Kung naging magastos man siya nu’ng una, e, maiintindihan natin ‘yun. Galing siya sa wala, sabik siya sa magagarang kagamitan, kaya ‘yun ang pinupuntahan ng mga kinikita niya.

“Pero tapos na siya sa ganu’n, hindi na siya bulagsak sa pera, ang future na niya ang binibigyan niya ng priority,” pahayag ng aming impormante.

Lumulutang ang mga kuwento na may mga gay benefactors ang male personality, wala siyang inaamin, pero patuloy ang pagdududa ng mas nakararami dahil hindi naman kakayanin ng kanyang kinikita lang ang mga bonggang-bonggang nangyayari sa kanyang buhay ngayon.

Patuloy na chika ng aming source, “Sabay-sabay ang pagpapagawa niya ng bahay nila sa probinsiya, may mga small business din siya du’n, magara ang sasakyan niya, kakayanin ba naman ‘yun ng pasulput-sulpot lang naman niyang projects?

“Natural, maraming naniniwala na totoong may tumutulong sa kanya, meron siyang gay benefactor, dahil hindi naman simple lang ang pag-angat ng buhay niya ngayon.

“Ang balita nga, e, hindi lang isa ang tumutulong sa kanya, one after another kuno ang drama niya. Kaya hindi na nagtataka ang mga ka-contemporary niya kung bakit napakabongga ng lifestyle niya ngayon.

“Hindi naman daw niya pinagsasabay ang nakakarelasyon niyang gay, mabilis lang siyang magpalit, kaya sa kalulundag niya sa pakikipagrelasyon, e, makakaipon nga siya!

“Makapagpapagawa nga siya ng house, makapagnenegosyo siya, makabibili siya ng magagarang sasakyan, hindi imposible ‘yun!” pagtatapos ng aming impormante.

Tisoy ang male personality, mukha siyang mabango at bagong paligo kahit kagigising lang niya, marunong din siyang makisama at walang kaangas-angas kaya maraming nagmamahal sa kanya.

“Yun ‘yown!

Ion nalagay sa alanganin sa pag-amin kay Vice

MAY punto naman ang mga nag-oopinyon na sige, nagmamahalan nga sina Vice Ganda at Ion Perez, wagas nga ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa pero sana’y sarilinin na lang nila ‘yun.

Naiintindihan namin ang posisyon ng sikat na komedyante-TV host na napakasarap ipagmalaki sa buong mundo ang isang karelasyong mabait at hindi marunong magsamantala.

Pero sa pagsasabi niya nu’n ay para rin siyang naghuhukay ng libingan ni Ion Perez dahil sa karaniwang kapaniwalaan na pera lang niya ang inasinta ni Kuya Escort.

Kayamanan lang daw ni Vice ang puntirya ng binata, madali lang daw magpanggap na mahal na mahal nito si Vice, pero ang totoo ay nag-iipon lang naman ang nagpapaligaya ngayon sa sikat na komedyante.

Napakasakit ng mga ganu’ng paghusga kay Ion Perez, pero kasama ‘yun sa teritoryong pinasok nito, lalo na’t lutang na lutang ang kasabihan na ang lalaking nagigipit ay sa bakla kumakapit.

Kaya nga ang opinyon ng mas nakararami ay huwag na nilang ipinagbabanduhan pa sa publiko ang kanilang pagmamahalan. Pumili na lang sila ng puwedeng ilabas, itago na lang nila ang iba, mag-iwan sana sila ng mga senaryong para lang sa kanilang dalawa.

Nakakaawa naman kasi si Ion na mukhang totoo namang nagpapahalaga at nagmamahal kay Vice. Ito ang nalalagay sa alanganin at ang pinagdududahan at pinagbibintangang nanggagamit lang.

Gawin na lang sana nila ang pagtatawid ng pagmamahalan sa pribadong lugar, huwag na nilang ipino-post pa sa social media at ipinangangalandakan sa TV, sa ganu’ng paraan ay hindi na maiisip ni Ion Perez na magtinda na lang ng kakanin sa kanilang probinsiya dahil sa mga pamba-bash sa kanya.