Abante Tonite Interactive

Hunk actor mahilig pero sawain

943

Mahilig pero sawain. Maga­ling lang sa una pero sa bandang huli ay bumibitiw na. Ganu’n kung ilarawan sa isang umpukan ang isang kontrobersiyal na hunk actor sa kanyang pakikipagrelas­yon.

May mga hawak nang pruweba ang mga nag-uusap, tiyak na may mga nakausap na silang dating karelasyon ng male personality, kaya sigurado sila sa paglalarawan sa aktor.

Komento ng isang source sa umpukan, “Mahilig ‘yun, sobrang mahilig siya, hindi siya makatatagal na wala siyang partner in bed. Pero mabilis siyang magsawa, hindi siya puwedeng puro fried chic­ken ang kinakain niya, naghahanap siya agad ng bagong putahe!

“Balikan n’yo ang mga past relationships niya, ‘di ba, ganu’n na ganu’n ang history niya? Hindi sila gaanong tumatagal ng karelasyon niya or kung medyo magtagal man, e, siguradong may ginagawa siyang milagro!

“Sawain nga kasi siya! Hindi puwede sa kanya ang ‘yun at ‘yun ding karelasyon niya. Meron siyang extracurricular activities, magaling gumawa ng milagro ang lalaking ‘yun!” sabi ng impormante.

Hindi siya ang klase ng lalaking maikukumpara sa sasakyang diesel na habang nagtatagal ay lalong umiinit. Hindi siya ganu’n. Kapag tumatagal na ang relas­yon ay nanglalamig na siya.

Patuloy ng source, “Nararamdaman ng girl ang ugali niyang ganu’n. Kaya nga naiisip nila na siguro, e, may iba na siyang pinagkakaabalahan!

“At totoo ‘yun! Marami siyang ginagawang milag­ro. Marami siyang alam na paraan, magaling sa para-paraan ang lalaking ‘yun kapag meron siyang ginagawang kababalaghan!

“Sasabihin niya sa girlfriend niya na meron siyang show sa isang malayong lugar, pero ang totoo, e, nasa house lang siya at du’n gumagawa ng milag­ro niya!

“Bakit ba sila naghiwalay ng isang girl, ‘di ba, nabuking nu’ng babae ang mga kalokohan niya? Nananahimik si male personality, pero ‘yun pala, e, meron nang ginagawang aksiyon sa mismong house niya!

“Iniwan siya ng girl, pero hindi na rin siya naghabol, kasi nga, e, ibang putahe naman ang gusto niyang matikman!” nakairap pang kuwento ng source sa umpukan.

Raymart dinalaw nina Sabina, Santino sa ‘Ang Probinsyano’

Ilang beses nang nakikitang dumadalaw kay Raymart Santiago sa set ng “Ang Probinsyano” ang kanilang mga anak ni Claudine Barretto na sina Sabina at Santino.

Ang mga bata lang, wala si Claudine, dahil ang usapan talaga nila ay ang mga anak lang nila ang dadalaw sa aktor sa taping.

Ilang kaibigan ang nagtulay kina Raymart at Claudine para makita ng aktor ang kanilang mga anak. Nu’ng una ay nagdadalawang-isip pa ang aktres pero nu’ng bandang huli ay napapayag na rin ito dahil naghahanap ng father figure ang magkapatid.

Inayos din ni Raymart ang pag-aaral ng mga bata, hindi pumapasok ang mga ito dahil nabu-bully raw sa kanilang eskuwelahan, matindi ang pagpapahalaga ni Raymart sa edukasyon kaya ‘yun ang una niyang inasikaso.

Ayon sa aming source ay larawan ng isang happy family ang mag-aama kapag magkakasama, wala man si Claudine ay parang kumpleto na rin sila, kitang-kita ang kaligayahan kina Sabina at Santino mula nang nakakasama na ng mga ito ang kanilang ama.

Dagdag ng aming source, “Napakaresponsableng father ni Raymart, anuman ang nangyari sa kanila ni Claudine, e, ang interest pa rin ng mga bata ang iniintindi niya.

“Dati kasi, e, ni hindi niya nakikita ang mga bata, kung anu-anong reason ang sinasabi ni Claudine, kesyo galit daw ang mga bata sa father nila, pero hindi totoo ‘yun!

“Naku, kung nakita n’yo sana ang unang araw na nagkita-kita ang mag-aama, maluluha ka, ramdam na ramdam ang pagmamahalan sa kanila,” komento pa ng aming source.