Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hunk actor mainit ang libido

0 86

Pagdating sa kanyang pakikipagrelasyon ay magaling pumaraan ang isang kilalang hunk personality. At wala siyang pinalalampas. Kumbaga sa mangingisda ay gusto niyang mahuli ang lahat ng isda sa dagat.

Malaki o maliit na artista. Wala siyang pinipili, sabi nga ng mga kalalakihan ay laman-tiyan din ‘yun, hindi dapat tinatanggihan.

Kuwento ng aming source, “Magaling pumaraan ang lalaking ‘yun. Basta type niya ang girl, namumuhunan siya para mabilis niyang makuha ang babae nang walang kahirap-hirap.

“Mula nu’ng nag-uumpisa pa lang siyang artista, e, ganu’n na siya talaga. Mainit ang libido ng male personality, malikot siya sa aparato, hindi siya makapapayag na makalampas sa kanya ang girl,” unang sultada ng aming importante.

Puro kilalang babaeng personalidad ang nakakarelasyon ng male personality. Pero may mga kinakarelasyon din siyang starlet. Tulad ng isang magandang female personality na ipinasusundo niya palagi sa bahay nito.

Patuloy ng aming source, “Hindi na masasabing starlet ang girl na pinagkaabalahan niya nu’ng minsan. Bumibida na rin kasi ang girl sa serye. Pero may karelasyong actor din.

“Wala siyang pakialam kung meron mang boyfriend ang girl, pakialam ba niya kung meron man siyang nasasagasaan, libido lang niya ang iniintindi ng lalaking ‘yun!

“Lahat ng nakaka-partner niya sa movies na ginagawa niya, e, hindi rin nakakaligtas sa kanya. Magaling siyang pumaraan, kinukuha niya ang loob ng girl sa pagiging malambing niya, maasikaso, sobra siyang magbigay ng concern sa babae.

“Bingo! Kalahatian pa lang ng pinagsasamahan nilang project, e, meron nang something between them, naipanalo na niya ang laban! Magaleng!” napapailing na kuwento pa ng aming source!

Pero hindi siya nananalo sa lahat ng panahon, nabubuking din siya, tulad ng nangyari sa pinakahuli niyang pakikipagrelasyon.

“Buking na buking siya! Patagu-tago pa sila ng bago niyang girlfriend, deny pa sila nang deny, kahit totoo namang sila na! Anyare sa kanya? Natakot si hunk actor sa sarili niyang multo!

Related Posts
SM food to go Banner Ad

“Natakot siya sa ghost!” madiin pang pagtatapos ng aming source.

Gretchen ‘di sinosolo ang biyaya

Laman ng mga kolums at FB ngayon ng mga entertainment press si Gretchen Barretto. Pero hindi intriga ang dahilan, hindi ang pag-aaway nilang magkakapatid ang paksa, kundi ang kagandahan ng kanyang puso.

Sa panahon ngayon ng pandemya ay pinahahalagahan natin ang anumang tulong na maaaring ibigay ng ating kapwa. Taghirap ngayon, maraming nawalan ng trabaho, kahit ang mga artista ay umaaray dahil biglang nagbago ang takbo ng kanilang buhay.

Napakaganda ng gising ng mga manunulat nang isang araw ay nagpadala siya ng ayuda, at hindi basta ayuda ‘yun, ang laman ng kahon na ipinadala niya ay mga produktong hindi basta-basta.

Pero kayang bilhin ng mga manunulat ang mga ipinadala ni Gretchen. Kahit taghirap ngayon ay puwedeng pag-ipunan ang pambili ng mga produkto.

Pero may isang bagay na hindi kayang tapalan nang kahit magkano, hindi ‘yun mabibili sa shopping mall, sa palengke o kahit sa talipapa, ang masarap na malasakit at pag-aalala ng aktres sa mga manunulat na may malaking ginampanang papel sa kung sino na siya ngayon.

Totoo ang kasabihan na mas binibigyang-halaga natin ang iniabot na piso sa gitna ng kahirapan kesa sa isang libong nataon na hindi naman natin kailangan.

Maraming salamat kay Gretchen Barretto na nagkaroon ng puso sa pagbabahagi ng kung anumang meron siya. Hindi niya sinosolo ang kanyang mga biyaya, marami siyang pinasasaya, ‘yun ang tunay na diwa ng pagiging pinagpala.

Hindi niya ipinagmamayabang ang kanyang kayamanan, sensitibo siya sa takbo ng panahon, samantalang meron naman siyang karapatang ipagbanduhan ang kung anumang meron siya.

Sa ngalan ng mga manunulat, mula sa aming hanay, maraming-maraming salamat sa masarap na pag-alala ni La Greta.

Leave A Reply

Your email address will not be published.