Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hunk actor mali ang ingles

0 383

Maraming nang-uusisa kung sa Amerika ba ipinanganak at lumaki ang isang hunk actor? Fil-Am daw ba siya? Naisipan lang daw ba niyang bumalik sa ating bayan para mag-artista?

Hindi lang ang sagot sa mga tanong na ibinabato ng ating mga kababayan. Dito ipinanganak at lumaki ang hunk actor. Hindi sa anumang banyagang bansa.

Kuwento-opinyon ng isang source, “E, bakit kapag tinatanong siya sa wika natin, e, sumasaot siya sa Ingles? Napakalinaw ng tanong, as in, Tagalog ang tanong sa kanya, pero spokening bow-wow-wow siya!

“Dito naman pala siya ipinanganak at lumaki, pero bakit parang foreigner siyang magsalita?” napapailing na unang sultada ng aming impormante.

Sa kanyang mga interbyu ay dalawa-singko kung mag-Ingles ang hunk actor, pa-slang pa nga siyang magbitiw ng mga salita, pero maraming nakakapansin na mali-mali naman siyang umingles.

Balik-chika ng aming source, “Nakakaloka siya, ha? Nakakapagod siyang panoorin at pakinggan! English siya nang English, pero marami namang mali sa pagsasalita niya!

“Ang lakas-lakas ng loob niyang mag-English, e, mali-mali naman ang lumalabas sa bibig niya! Sangdamakmak ang grammatical errors niya!

“E, Pinoy naman siya, di ba? Bakit pa siya nagpapakasosyal, ikinahihiya ba niya ang pagiging Pinoy niya?” isa pang naiinis na komento ng aming impormante.

Maraming nakakaalam na galing sa hindi naman kayamanang pamilya ang hunk actor na ito. Nagtrabaho siya sa isang bar, du’n siya nakilala ng discoverer niya, hanggang sa sinuwerte siyang makapasok at maging contract star ng isang malaking network.

Namamanghang kuwento pa ng aming impormante, “Mismo! Kung sana, e, galing siya sa isang buena familia! Kaso, hindi naman, e! Marami siyang pinagdaanan bago gumanda ang kabuhayan showcase niya!

“At hindi siya magaling umarte, ha? Ham actor nga ang tawag sa kanya! Kaya tantanan na niya ang drama niyang pag-Ingles! Hindi bagay sa kanya!

SM food to go Banner Ad

“Magpakatotoo na lang siya!” naiinis pa ring pagtatapos ng aming source.

Berdin ‘di krimen ang pagpaparetoke

Walang puwedeng itago sa publiko si Janine Berdin. Sa unang pagsalang pa lang niya sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime hanggang sa maging kampeon siya ay kabisado na ng manonood ang kanyang itsura.

Dumaan sa mga pamimintas ang dalaga, palagi siyang bina-bash, ang kanyang itsura ang pinupuntirya ng mga bashers kaya siguro nagkaroon siya ng ideyang baguhin ang kanyang kanaturalan.

Ibang-iba na ang itsura ngayon ng singer, napakalaki ng kanyang iginanda, parang lahat ng bahagi ng kanyang mukha ay dumaan sa mga heringgilya.

May mga nagkokomentong may hawig na siya ngayon kina Alice Dixson, Mickey Ferriols at Rhian Ramos. Hawig lang naman, hindi eksaktong kamukha, pinagpipistahan ngayon sa social media ang kakaiba nang kagandahan ni Janine Berdin.

Hindi siya puwedeng mapabilang sa mga artista at singers na nagpasalamat po, doktor, pero hindi umamin. Hindi puwedeng magsinungaling si Janine dahil siguradong kakantahan siya ng mga kababayan natin ng “Alin, alin ang naiba?”

Pero hindi isang krimen ang desisyong pagpapabago ng itsura ng singer. Siya na mismo ang nagsabing masaya siya ngayon dahil kapag humaharap siya sa salamin ay nagagandahan na siya sa kanyang itsura.

Saka puhunan ng mga personalidad ang kagandahan. Hindi sapat na maganda ang boses ni Janine, hindi sapat na napakataas lang ng kanyang boses, kailangang maganda rin siyang panoorin habang kumakanta.

At tama ang kanyang katwiran, kung saan ka masaya, dumoon ka. Hindi naman maibibigay ng ibang tao ang sayang gusto niyang maramdaman tungkol sa kanyang itsura.

At pera ni Janine Berdin ang ipinambayad niya sa operasyong pinagdaanan niya. Hindi naman natin pera ‘yun, kundi perang pinagtrabahuhan niya, kaya go lang!

Leave A Reply

Your email address will not be published.