Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hunk actor masangsang ang amoy

0 1,967

Maigsi lang ang blind item na ito na naganap sa eroplano. Nakasabay sa biyahe ng mga impormanteng nagkukuwento ang isang kilalang hunk actor.

Pinupuri nila ang male personality dahil hindi suplado, magiliw siya sa mga pasaherong nagpapakuha ng retrato sa tabi niya, very generous daw sa panahon ang hunk actor.

May mga nakakasabay raw kasi silang artista na maldita at maldito, parang walang naririnig sa pakiusap para sa pakikipag-selfie, kakaiba raw talaga ang hunk actor na madaling kausap.

Pero may napansin lang sila, sabi ng isang source, “May kakaiba lang siyang amoy. Akala ko nu’ng una, e, ako lang ang nakapansin, pero lahat pala kami.

“May kakaibang singaw ang katawan niya. Hindi naman ang perfume niya ang masangsang, siya mismo, ang katawan niya!” komento ng isang impormante.

Inisip na lang daw nila na athletic kasi ang hunk actor, baka dahil du’n kaya lumalabas ang amoy niya, pero hindi raw ‘yun ang dahilan.

“Talagang may kakaiba siyang amoy, marami namang athletic na mabango, singaw na ng katawan niya ang problema talaga. Sayang, lalaking-lalaki pa naman ang dating niya, pero meron siyang problema.

“Can afford naman siyang magpakonsulta sa doktor, mayaman naman siya, bakit hindi niya bigyan ng panahon ang hindi kagandahang amoy ng katawan niya?

“Hindi lang ako ang nakapansin, marami kami, magkakaibang ilong na ang nagsasabing may kakaiba talaga siyang amoy. ‘Yun lang!” pagdidiin ng source.

Clint wala sa tamang hulog

Kung maraming inis na inis sa pagiging kiss and tell ni Clint Bondad ay marami ring naaawa sa kanya. Wala raw kasi sa tamang hulog ang ex ni Catriona Gray.

Kunsabagay ay hindi nga naman gagawin ng isang taong nag-iisip at marespeto ang paglalabas ng kung anu-anong nakakaalarmang posts tungkol sa kanyang dating karelasyon.

Sana man lang ay pinahahalagahan ni Clint ang pitong taong naging pagmamahalan nila ng ating Miss Universe, pero sa halip, marami siyang inilalabas na rebelasyon laban sa dalaga.

At hindi lang basta ganu’n, pati ang nananahimik na si Sam Milby na balitang boyfriend ngayon ng kanyang ex ay binabarubal din niya, tanging ang magmahal lang naman ang ginawa ng singer-actor.

Ang unang komento ng mas nakararami ay hard loser si Clint Bondad. Hindi pa rin niya matanggap na hiwalay na sila ni Catriona. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakahahakbang nang pasulong sa pagkasira ng kanilang relasyon.

Ang ikalawang naiisip na dahilan ng iba ay biktima ng depresyon si Clint Bondad. Kawalan ng magawa ‘yun ngayong panahon ng pandemya na nauwi sa depresyon kaya siya nagkakaganyan.

Hindi na pala siya ini-renew ng GMA-7, isang taon lang palang kontrata ang ibinigay sa kanya, at sa kanyang mga pinaggagagawa ngayon ay siguradong walang network na kukuha sa kanya para bigyan siya ng kontrata.

May payo naman ang maraming nakakausap namin na kailangan na niyang magpakonsulta, propesyonal na tulong na ang kailangang ni Clint, dahil ang isang taong nasa tamang kundisyon ang pag-iisip ay hindi gagawa ng mga hakbang na ipinaglalantaran niya ngayon.

Hindi maganda sa panlasa ang kanyang mga ginagawa, ang babae ay nirerespeto at hindi ipinapahiya at binabastos sa publiko.

Mahirap mabuhay nang walang mga kaibigan. Matinding tulong at puwersa ang mga payo nila kapag dinadalaw tayo ng depresyon at kalungkutan.

At mahirap lumipad nang mataas dahil ang kauuwian nu’n ay ang paglagapak nang pagkalakas-lakas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.